VIRAL PHOTO AND VIDEO| Presidential choppers nagamit umano sa kampanya ng Liberal Party

2e.jpg

Viral ngayon sa social media ang mga larawan at video kung saan sinasabing ginamit umano sa pangangampanya ng Liberal Party ang mga presidential chopper.

Base sa mga kumakalat na larawan, nakunan ang aktres na si Kris Aquino na isa sa mga bumababa mula sa mga chopper.

Hindi bababa sa limang helicopter ang sinasabing nagamit sa pangangampanya.

Ang larawan ay kinunan sa Dalaguete, Cebu at ipinost sa Facebook Page ng Calaguete LGU.

Nabatid na nangampanya nga kahapon ang Liberal Party sa Argao, Cebu kung saan kasama si Kris at si Liberal Party standard bearer Mar Roxas.

3e.jpg

Naroon din at kasama nila sa kampanya maging si Pangulong Benigno Aquino III.

Sa naturang kampanya ay sinabi ng Pangulo na sa ilalim ng pamumuno ni Roxas sakaling ito ang manalo sa darating na halalan ay mas palalakasin pa nito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Bago naman pumunta sa Cebu ay nanggaling na ang grupo ni PNoy kasama ang kapatid nitong si Kris sa San Carlos City, Negros Occidental.

1e.jpg

Dinaluhan doon ni PNoy kahapon ng umaga ang inagurasyon ng 59-megawatt solar power plant na pag-aari ng Sun Carlos Sun Power, Inc. 

Makikita naman sa kumakalat na larawan ang apat na chopper na markado at kabilang sa 250th Presidential Airlift Wing (250th PAW).

4e

Ang grupo ay isang independent unit ng Philippine Air Force. Kabilang naman sa line units ng 250th PAW ang 252nd Helicopter Squadron. 

Kasama rin sa line units ang 51st Presidential Airlift Squadron at 253rd Special Airlift Squadron.

Pangunahing tungkulin ng naturang sangay na siguruhin ang kaligtasan ng Pangulo at iba pang VIP sa lahat ng pagkakataon. Ang 250th PAW ay kabilang sa mga grupong nakaugnay sa Presidential Security Group para matiyak ang kaligtasan ng Pangulo sa lahat ng oras lalo na sa panahon ng mga paglalakbay nito.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nananatiling tikom ang bibig ng Malacañang.-DCR

 

Advertisements