MASSIVE LEAK | PERSONAL DATA NG MGA BOTANTE IKINALAT GAMIT ANG ISANG SEARCH ENGINE

 

hacker2

Sinimulan nang ikalat ngayong araw ng isang grupo ang personal data ng humigit kumulang 70 milyong botante.

Ito ay matapos lumabas ang isang search engine na wehaveyourdata.com kung saan pwede mong makita ang iyong personal na impormasyon sa pamamagitan lamang ng pag-type sa iyong pangalan.

Nagmula ang datos sa na-hack na detalye ng grupong LulzSec Pilipinas mula sa website ng Commission on Elections (COMELEC). 

Agad naman nagpahayag ng pangamba at pagkadismaya sa COMELEC ang mga netizens tungkol sa pangyayari matapos nilang makita ang mga personal at sensitibong impormasyon tungkol sa kanila gamit ang search engine.

Danilo

Gerg

Malou

Dana

raisa

Renato.JPG

Kabilang sa mga detalyeng makikita ng bawat botante ay ang kanilang passport numbers, fingerprint details, address sa bahay at iba pang sensitibong impormasyon tungkol sa kanila.

Ayon sa grupo, ginawa nila ito para ipakita ang kanilang pagkakaiba sa mga hacker. 

“Hackers just hack and download data from websites but we make it accessible for anyone. It’s one thing to hear news about a huge data leak and another to is see your data in a public website. Maybe, at least now, government will start thinking about security of citizens’ personal data,” pahayag pa ng grupo.

Sa pahayag naman na inilabas ng COMELEC sinabi nitong nakarating na sa kanilang kaalaman insidente.

Ayon kay COMELEC Spokesman Atty. James Jimenez, kasalukuyan ng iniimbestigahan ng NBI-Cybercrime Division ang naturang search engine.

Pinayuhan din ni Jimenez ang publiko na hangga’t wala pang inilalabas na resulta ng kanilang imbestigasyon ang NBI ay mas makabubuting huwag munang gamitin ang search engine.

Aniya, posibleng makakuha pa ng impormasyon ang mga hacker sa sinumang bibisita sa website dahilan para lalong lumaki ang posibilidad na maging biktima ang sinuman ng identity theft. 

Kasabay nito ay humingi din ng paumanhin si Jimenez sa publiko at sinigurong ginagawa ng komisyon ang lahat para agad maresolba ang insidente.

“I apologize for this continuing attack on your privacy and assure the public that the COMELEC is doing everything we can to resolve this matter the soonest possible time,” pahayag pa ni Jimenez.

Kapansin pansin na nasa default search ng wehaveyourdata.com ang pangalan mismo ni Pangulong Benigno Aquino III. Ginawa ito ng grupo upang ipakita na maging ang mga personal na detalye tungkol sa Pangulo ay nakompromiso na din.

Naganap ang paglalabas sa bagong search engine matapos pumutok ang balita na hawak na ngayon ng National Bureau of Investigation ang responsable sa pag-hack sa website ng COMELEC. (Demetrio Ragua)DCR

 

Advertisements