Lt. Gen. Miranda itinalagang acting AFP chief

Miranda

Lt. Gen. Glorioso Miranda (center) is the new acting AFP chief (Photo courtesy of AFP PAO)

Itinalaga na ngayong araw si Lt. Gen. Glorioso V. Miranda bilang acting Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff.

Ang pagtatalaga kay Miranda sa bagong pwesto ay kasunod ng pagreretiro ngayon ni AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri.

Si Miranda ang kasalukuyang vice chief of staff bago hirangin na acting AFP chief.

Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1983 (Matikas). Bukod sa pagiging miyembro ng Philippine Army ay miyembro din si Miranda ng elite force na Scout Ranger.

Naging commander din si Miranda ng Northern Luzon Command. 

Pinamunuan din dati ni Miranda ang Army’s 7th Infantry Division sa Nueva Ecija.

Ang pagtatalaga kay Miranda bilang acting AFP chief ay kasunod ng election ban na itinatadhana ng batas sa panahon ng halalan kung saan pansamantalang pinagbabawalan ang pagtatalaga at paglilipat ng pwesto sa mga kawani ng gobyerno.-DCR

 

 

 

Advertisements