MAR ROXAS: Mayor Duterte at NPA nasa likod ng harassment sa aking supporters

LOL

Mayor Rodrigo Duterte and LP bet Mar Roxas (Photo courtesy of newsunited.com and politics.com.ph)

Muling binira ni Liberal Party presidential candidate Mar Roxas si PDP Laban presidential bet at Davao City Mayor Duterte. 

Ito ay matapos na makaranas umano ng harassment ang mga tagasuporta ni Roxas sa Panay.

Sa isang press conference kahapon sa Jaen, Nueva Ecija, sinabi ni Roxas na si Duterte at ang New People’s Army (NPA) ang nasa likod nang pagha-harass sa mga alkaldeng sumusuporta sa kanya.

Aniya, nakatanggap ng liham ang mga alkaldeng sumusuporta sa kanya sa Panay. Laman umano ng liham ang pagbabanta sa seguridad ng mga ito sakaling ituloy pa ng mga ito ang pagkampanya sa Daang Matuid Coalition.

Giit ni Roxas, alam niya kung sino ang responsable sa pananakot sa kanyang mga tagasuporta lalo na umano at tahasan na niyang sinabi dati na lalaban niya ang mga NPA.

At alam ko rin na ang kanilang supporter na si Mayor Duterte ang nasa likod nito dahil siya lang nagsasabi na dapat bayaran yung revolutionary tax … dapat bayaran yung permit-to-campaign na ipinapataw nila sa mga kandidato, na dapat tulungan ang mga NPA na ito,” pahayag pa ni Roxas. 

Ayon pa kay Roxas, isang malaking banta umano sa demokrasya ang isang tulad ni Duterte na kilalang supporter ng mga NPA.

Ang mga NPA umano ay mga komunista at ang komunismo ay isang uri ng diktaturya. Pasaring pa ni Roxas sa kanyang katunggali alam naman ng lahat kung sino ang nag-aastang diktador ngayon at nangako siya sa lahat na hindi niya papayagan ang ganito.-DCR

 

Advertisements