Duterte nananatiling No.1 base sa bagong Pulse Asia survey

 

 

Digong1.jpg

Davao City Mayor Rodrigo Duterte (Image courtesy of Rody Duterte: The Real Change Facebook Page)

Nangunguna pa rin si Davao City Mayor at PDP Laban presidential bet Rodrigo Duterte batay sa bagong survey ng Pulse Asia.

Ang survey ay ginawa noong Abril 12 hanggang 17 kung saan nilahukan ito ng 4,000 respondents.

Lalo pang ipinakita ng survey ang paglamang ni Duterte matapos itong makakuha ng 34% na mas mataas ng 12 puntos kumpara sa 22% na nakuha ng pumapangalawang si Sen. Grace Poe.

Nasa ikatlong pwesto si Vice Pres. Jejomar Binay na mayroong 19%. 

Pang-apat sa survey si Liberal Party presidential candidate Mar Roxas na may 18% habang si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay nakakuha ng 2%.

Sa naturang survey ay lumabas na nanguna rin si Duterte sa lahat ng antas ng lipunan sa bansa mula sa pinakamayayaman hanggang sa mga pinakamahihirap.

Sa class ABC  ay nakakuha ang alkalde ng 47%, sa class D ay 33% habang 34% naman ang kanyang nakuha sa class E. 

Pagdating naman sa lugar, dinomina ni Duterte ang Metro Manila kung saan nakakuha siya rito ng 43%. 

Sunod na nakakuha ng mataas sa Kamaynilaan si Poe na may 22% habang sina Binay at Roxas ay mayroong 19% at 11%.

Sa Luzon ay ni Poe ang pinakamataas na resulta kung saan mayroon siyang 30% habang si Binay ay mayroong 26%.

Pagdating sa Visayas ay nanguna si Roxas 34% habang 28% lang ang nakuha dito ni Duterte.

Sa Mindanao ay nakakuha ng 61% si Duterte.

Ayon sa Pulse Asia, ang survey ay hindi pa nagpapakita ng epekto sa numero ni Duterte ng kontrobersyal nitong pahayag tungkol sa rape. 

Dahil sa naturang statement ay kaliwa’t kanang batikos ang inani ng alkalde.

May kinalaman ito sa kanyang pagkikwento tungkol sa pagkakapaslang sa isang hostage taking scenario ng isang Australian missionary noong 1989 sa Davao City.

Base sa Pulse Asia ang pagbatikos kay Duterte ay lumabas noon lamang matapos nilang magawa ang survey.-DCR

Advertisements