Canadian hostage pinugutan ng Abu Sayyaf sa Sulu

Justin

Canadian Prime Minister Justin Trudeau (Photo from o.canada.com) Insert Photo: John Ridshel from Philippine National Police 

Mariing kinundena ng gobyerno ng Canada ang malagim na sinapit ng isa sa dalawang mamamayan nito na binihag ng Abu Sayyaf Group (ASG).

“I’m outraged by the news that a Canadian citizen, John Ridsdel, held hostage in the Philippines since September 21, 2015, has been killed at the hands of his captors.” 

“This was an act of cold blooded murder and responsibility rests with the terrorist group who took him hostage,” ito ang magkakasunod na pahayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau matapos malaman ang malagim na sinapit ng kanilang mamamayan sa kamay ng bandidong grupo. 

Sa ulat na nakalap ng The Manila Journo, nakumpirma na pinugutan na ng ulo ng ASG ang isa sa mga Canadian hostage nito  na si John Ridsdel.

Nabatid na nakita ang pugot na ulo ng biktima malapit sa city hall ng Jolo, Sulu matapos itong iwan doon ng riding in tandem.

Naganap ang pamumugot makaraang lumipas ang deadline na ibinigay kahapon ng bandidong grupo para sa pagbabayad ng ransom.

Aabot sa P300M ang hinihiling na perang kapalit ng ASG para sa bawat biktima.

Si Ridsdel ay dinukot sa isang resort sa Samal Island kasama ang isa pang Canadian na si Robert Hall, Norwegian na si  Kjartan Sekkingstad at ang Filipina na si Marites Flor noong September 2015.

Hanggang sa kasalukuyan ay mahigpit na ipinatutupad ng gobyerno ng Pilipinas ang no ransom policy nito. Bago ang napaulat na pagpugot ay siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagpapatuloy ang operasyon nito para masagip ang mga bihag na hawak pa rin ng ASG.-DCR

 

Advertisements