MATAPOS BANATAN ANG US AT AUSTRALIA| Duterte nagbanta, bandila ng Singapore susunugin

Muli na namang nagbitiw nang maanghang na salita si Davao City at PDP-Laban presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte subalit ngayon ay patungkol naman ito sa isang bansa.

Matapos batikusin ang Estados Unidos at Australia dahil sa tila pakikialam umano ng mga ito sa isyung politikal ng bansa ay ang kapitbahay naman na bansang Singapore ngayon ang binanatan ni Duterte.

Singapore 1

Screenshot for Singapore Embassy in Manila Facebook

Sa isang balitang inilathala ng The Straight Times ngayong araw sinabi nitong nagbanta umano si Duterte na susunugin nito ang bandila ng Singapore. 

“Humanap kayo ng flag ng Singapore, susunogin ko p*tangina,” pahayag pa ni Duterte sa kasagsagan ng kanyang campaign rally. 

Ginamit na batayan ng Straight Times ang isang artikulo na inilathala ng The Maharlikan kung saan sinabi nga umano ni Duterte ang naturang pagbabanta sa isang campaign rally nito sa Daet, Camarines Norte. 

Nabatid na ginawa umano ni Duterte ang naturang pahayag makaraang malaman na humihingi na ng tulong legal ang Singaporean Embassy sa gobyerno matapos kumalat sa internet ang isang pekeng artikulo.

Singapore 2

Screenshot from Singapore Embassy in Manila Facebook 

Laman umano ng pekeng artikulo ang balitang sinusuportahan at ineendorso ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong bilang pangulo ng Pilipinas para sa darating na halalan. 

Sa unang official Facebook post ng embahada ng Singapore sa Maynila noong April 22 sinabi nitong ang kumakalat na artikulo ay peke at walang katotohanan.

Pinabulaanan din nila na may ineedorso silang kandidato para sa magaganap na halalan sa bansa.

Sa kabila nito tila iba ang pagkakaintindi ng The Straight Times sa pahayag ng alkalde.

Lumalabas sa pagsasaliksik ng The Manila Journo na ginawa ng alkalde ang pahayag habang ikinukwento nito ang pagbitay ng Singapore sa OFW na si Flor Contemplacion.

Lumalabas na ang pagbitay sa OFW ang kinukundena ni Duterte at hindi ang paghingi ng legal advise ng Singaporean Embassy para sa kumakalat na pekeng artikulo.

Ang artikulo naman ng The Straight Times ay hindi na mapuntahan. Hindi pa malaman kung tinanggal na nila ito sa kanilang website dahil sa maling ulat o kung binago lamang ito.-DCR

 

 

 

Advertisements