PEKENG SIRKULAR KUMALAT| INC itinanggi ang pekeng endorsement letter para kay Duterte

INC.jpg

FAKE INC CIRCULAR ENDORSING PDP-LABAN bet Rodrigo Duterte

Kumakalat ngayon sa Internet partikular sa social media ang isang umano’y sirkular mula sa punong tanggapan ng Iglesia Ni Cristo (INC). 

Nakasaad sa liham para sa mga kaanib ng INC na si PDP-Laban presidential candidate Rodrigo Duterte ang napiling i-endorso ng Tagapamapahalang Pangkalahatan ng INC na si Ka Eduardo Manalo upang suportahan ng kanilang mga kaanib sa darating na May 9 election.

Sa kabila nito sinabi ng mga source ng The Manila Journo sa loob ng INC na peke ang naturang liham.

Ganito rin ang naging pahayag ni INC Spokesman Ka Edwil Zabala. 

Sa panayam ng Philippine Daily Inquirer kay Zabala sinabi nitong hindi totoo ang liham.

Nagbanta din ito laban sa mga nagpapakalat ng pekeng sirkular at sinabing kakasuhan nila ang mga taong nasa likod ng pamemeke sa pirma ni Ka Eduardo Manalo.

“The moment we identify the person/s responsible for this fraudulent ‘letter containing the forged signature of Brother Eduardo Manalo, we will charge them in court,” pahayag pa ni Zabala sa panayam ng Inquirer.net

Ang pekeng sulat ay kumalat sa Internet ilang oras matapos ang ginawang pagbisita ni Pangulong Benigno Aquino III kaninang umaga sa INC Central Office.

Sa naturang pagdalaw sinabi ng Pangulo na nagpapasalamat siya sa pamamahala ng INC dahil sa suportang ibinigay ng mga ito sa kanya.

Hindi naman binanggit ng Pangulo sa media kung kasama sa kanyang mga inilapit sa INC ang pag-endorso para sa pambato ng Liberal Party na sina Mar Roxas at Cong. Leni Robredo.

Ayon sa mga source ng Manila Journo, sa gaganaping pagsamba ng INC sa Miyerkules at Huwebes ngayong linggo inaasahan ang paghahayag ng mga napiling i-endorso ng kanilang pamamahala.

Bago pa kumalat ang pekeng liham ay napabalita na si Duterte at si Sen. Grace Poe ang pinagpipilian ng INC na suportahan sa darating na halalan.-DCR

Advertisements