Duterte-Marcos inendorso na ng INC

Limang araw bago ang halalan sa Mayo 9 ay tuluyan nang kumalat sa social media ang pag-endorso ng Iglesia Ni Cristo kina PDP-Laban presidential candidate Rodrigo Duterte at Sen. Bongbong Marcos bilang pangulo at pangalawang pangulo. 

Una nang ipinaskil ng PTV 4-Telebisyon ng Bayan sa kanilang official twitter account ang sinasabing sample ballot mula sa INC kung saan nakalagay ang pangalan ng dalawa.

Inaasahan na ang opisyal na sirkular na nag-aanunsyo sa pag-endorso sa dalawa ang babasahin sa mga pagsamba ngayong araw ng Miyerkules hanggang bukas araw ng Huwebes sa lahat ng lokal at dako ng pagsamba dito sa Pilipinas at sa buong mundo. 

Bukod kina Duterte at Marcos ay inendorso din ng INC ang 12 senatoriables. 

Kabilang dito ang mga sumusunod:

JOEL VILLANUEVA (LP)
FRANK DRILON (LP)
VICENTE SOTTO (NPC)
MANNY PACQUIAO (UNA)
RALPH RECTO (LP)
DICK GORDON (IND)
RISA HONTIVEROS (AKBAYAN)
WIN GATCHALIAN (NPC)
FRANCIS TOLENTINO (IND)
MIGZ ZUBIRI (IND)
PANFILO PING LACSON (IND)
MARTIN ROMUALDEZ (LAKAS)

Ang INC ay tinatayang may humigit kumulang 2 milyong botante. 

PTV twitter

Screenshot from PTV-4 Official Twitter Page 

Mahalaga para sa kahit sinong kandidato ang suporta ng INC dahil sa bloc voting.

Malaking bahagi ng mga miyembro ng INC ay sumusunod sa ipinasya ng kanilang Pamamahala dahil kasama ang kaisahan sa pagboto sa mga aral na kanilang sinusunod.-DCR

Advertisements