UP law graduate nanguna sa 2015 bar exams

2015 bar.jpg

Image courtesy of Sun Star

Nanguna ang isang graduate ng University of the Philippines College of Law sa mga nakapasa sa 2015 Bar Examination.

Nakilala ang bar top notcher na si Rachel Angeli Miranda na nakakuha ng 87.4%.

Siya ay sinundan ni Athena Plaza ng University of San Carlos na nakakuha naman ng  87.2%.

Umabot sa 1,731 ang pumasa sa nasabing edisyon ng bar exam na ginanap sa University of Santo Tomas noong Nobyembre 8, 15, 22 at 29. 

Nasa kabuuang 7,146 ang kumuha ng pagsusulit subalit 6,600 lamang sa mga ito ang nakatapos ng eksaminasyon.

Kabilang pa sa iba pang nasa top 10 ay ang mga sumusunod: 

Jayson Aguilar ng UP (3rd place, 86.75%)

Reginald Arceo ng  Ateneo de Manila University (4th place, 86.70%)

Mandy Therese Anderson ng  ADMU (5th place, 86.15%)

Giselle Hernandez ng  UP (6th place, 86.1%)

Darniel Bustamante ng San Beda College (7th place, 85.90%)

Jecca Jacildo ng USC, Soraya Laut ng Xavier University at Jericho Tiu ng (8th place,  85.85%)

Jedd Brian Hernandez ng UP (9th place, 85.80%)

Ronel Buenaventura ng Bulacan State University at Lara Carmela Fernando ng San Beda (10th place, 85.75%).-DCR

 

Advertisements