Binay-Marcos inendorso ng El Shaddai para sa May 9 election

Binay bongbong

Vice presidential candidate Bongbong Marcos and UNA presidential bet Jejomar Binay (Photo from politics.com.phpolitics.com.ph)

 

Inendorso ng Catholic charismatic group na El Shaddai ang kandidatura ni Vice Pres. Jejomar Binay bilang pangulo at ni Sen. Bongbong Marcos bilang pangalawang pangulo para sa darating na halalan sa Lunes, Mayo 9. 

Ang pag-endorso ay inanunsyo ng grupo sa kanilang radio station na DWXI 1413.

Nabatid na si Binay ang pinili ng mga lider ng grupo matapos ang isang survey na ginawa para sa mga ito. 

Ang grupo na pinamumunuan ni Bro. Mike Velarde ay pinaniniwalaang may milyun-milyong tagasuporta.

Bagama’ t hindi sinusunod ang bloc voting ng naturang grupo, inaasahan naman ng mga kandidato na makakatulong sa kanilang ang anumang suporta na makukuha nila mula sa El Shaddai.-DCR

Advertisements