Kontrobersyal na anti-Duterte ad kasama ang mga bata hindi inere ng TV5

tv5.jpg

 

Nilinaw ng TV5 o Kapatid Network na hindi nito isinahimpapawid ang kontrobersyal na advertisement laban kay Mayor Rodrigo Duterte. 

Ang TV Ad na nagsimulang umere kagabi ay nagpapakita sa ilang paslit na nagtatanong at sa pagitan ng bawat tanong ay pumapasok naman ang mga pinutol o edited na soundbites  ni Duterte.

Sa naturang political ad ay tahasang ipinakita ang isang imahe kung saan pinagmukha ang alkalde na mamamatay tao, bastos at walang paggalang sa batas.

Sa kabila nito nilinaw ng TV5 ngayong araw sa pangunguna ni News5 chief Luchi Cruz-Valdes na hindi nila inere ang political ad dahil hindi nito napunan ang ilang rekisitos na hinihingi ng istasyon.

Duterte5

From left clockwise (Image of Anti Duterte ad aired last night in national TV and photos of children used in the same ad. The controversial anti-Duterte ad was paid by Sen. Antonio Trillaes)

“TV5 Network would like to correct speculations that it was among the broadcast stations that aired the negative political advertisement against Mayor Rodrigo Duterte. The particular political advertisement was not aired by TV5 because there were certain requirements that were not complied with. The decision not to air is brought about due to this reason. TV5 does not, in any way, discriminate against or favor any political candidate or party,” pahayag ng TV5 sa isang statement. 

Tahasan ding sinabi ng TV5 na hindi sila instrumento sa pagdiskrimina o pagpabor sa isang partikular na kandidato at partido.

Ang anti-Duterte political ad kasama ang mga bata ay umere sa ABSCBN -2. 

Base sa impormasyon sa naturang commercial ito ay binayaran ni Sen. Antonio Trillanes.-DCR 

Advertisements