MAY 1-3| Panalo ni Duterte halos sigurado na base sa huling SWS survey

 

Duterte

PDP-Laban presidential candidate Rodrigo Duterte (Photo from Rody Duterte: The Real Change Facebook

Halos sigurado na ang panalo ni PDP-Laban at Davao City Mayor Rodrigo Duterte kung pagbabatayan ang huling survey ng Social Weather Station (SWS) bago ang halalan sa Lunes Mayo 9.

Ang ay survey ay ginawa ng SWS noong Mayo 1-3 gamit ang face to face interview at nilahukan ng 4,5000 respondents na pawang mga rehistradong botante.

Sa naturang survey ay nakakuha na si Duterte ng 33%. 

Nagpapakita ito na 11 puntos na ang inilamang niya sa pumapangalawang si Sen. Grace Poe na mayroong 22%.

Nasa pangatlong pwesto si Liberal Party presidential bet Mar Roxas na nakakuha ng 20%.

Tuluyan nang nabaon sa pang-apat na pwesto si Vice Pres. Jejomar Binay na nakakuha ng 13% habang nananatili sa panglimang pwesto si Sen. Miriam Defensor-Santiago na mayroong 2%.

Ang pangunguna ni Duterte ay lumabas din sa exit poll na ginawa ng Laylo Research. 

Ang huling survey ng Laylo Research na kinomisyon ng pahayagang The Standard ay ginawa naman noong April 27-May 1 ay may 3,000 respondents.

Dito ay nakakuha si Duterte ng 32.43%.

Pumangalawa sa kanya si Poe na may 24.58% habang nasa pangatlong pwesto si Roxas na may 21.67%.

Si Binay ay nakakuha dito ng 15.44% habang si Santiago ay mayroong 2.37%.

Ganito na rin ang ipinakita ng huling Pulse Asia survey bago ang halalan.

Ginawa ang huling survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABSCBN noong April 26 hanggang 29 at nilahukan ng 4,000 respondents.

Nakakuha dito si Duterte ng 33%. Pangalawa si Roxas na may 22% at Poe na may 21% habang sinundan ito ni Binay na mayroong 17% at panghuli si Santiago na may 2%.

Miyerkules (May0 4) ng umpisang basahin sa mga pagsamba ng Iglesia Ni Cristo ang sirkular na nag-eendorso kay Duterte bilang pangulo na susuportahan ng kapatiran ng INC.

Maging ang Jesus is Lord Church ni Bro. Eddie Villanueva at ang relihiyon na pinangungunahan ni Pastor Apollo Quiboloy ay inendorso na rin si Duterte sa pagka-pangulo. 

Lumalabas na kung pagbabatayan ang mga huling survey na ito bago ang halalan sa Lunes ay halos selyado na ang panalo pabor sa alkalde ng Davao.-DCR

 

Advertisements