Transition team ni Duterte naghahanda na

Duterte 2

Philippine presumptive President Rodrigo Duterte during his campaign sorties (Image from Rody Duterte Facebook)

 

Naghahanda na ang transition team ni presumptive President Rodrigo Duterte para sa pag-upo nito bilang ika-16 na Pangulo ng bansa sa darating na Hunyo 30.

Ayon sa tagapagsalita ni Duterte na si Peter Tiu Laviña, anim na tao ang bubuo sa transition team ng susunod na pangulo.

Makakasama ni Laviña sa transition team sina Bong Go na executive assistant ni Duterte, dating Maribojoc, Bohol Mayor Jun Evasco na pinuno ng campaign team ni Duterte, Carlos Dominguez campaign finance chief, mga abogadong sina Atty. Salvador Medialdea at Atty. Lorieto Ata. 

Sa pahayag naman ngayong araw ni Presidential Communication Operation Office Sec. Sonny Coloma sinabi nito na tumawag na si PNoy kay Go upang ipaalam dito ang pagbuo ng Malacañang sa sarili nitong transition team.

Ang grupo mula sa Palasyo na makikipag-ugnayan sa grupo ni Duterte para sa maayos na pagsasalin ng kapangyarihan ay si Executive Secretary Paquito Ochoa.

Bubuuin ng apat na grupo ang transition team ni Duterte.

Ang mga ito ang mamamahala para sa overall committee, pagbuo ng mga gagawin ni Duterte sa unang 100 araw nito sa pwesto, pagbuo ng selection committee para sa mga pipiliing miyembro ng gabinete at ang komite na mangangasiwa para sa inagurasyon ng bagong pangulo sa kanyang pwesto.-DCR

 

Advertisements