Cayetano nag-concede na kay Robredo sa VP race

Cayetano

Sen. Alan Peter Cayetano   (Image from Alan Peter Cayetano Facebook Page)

Nag-concede na si Sen. Alan Peter Cayetano kay Cong. Leni Robredo sa laban para sa pagka-pangalawang pangulo ng bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni Cayetano ngayong umaga habang patuloy sa paglamang sa vice presidential race si Robredo.

Ayon pa kay Cayetano hindi lamang nangunguna si Robredo  kundi malinaw na ito ang nanalo sa laban.

“I am confident that Vice President-elect Leni will likewise respect and value the people’s will by giving her full support to the country’s new President and his vision to end the disorder in the people’s lives and introduce real change to our country,” pahayag pa ng senador. 

Sa pinakahuling partial and unofficial count ng Commission on Elections bandang 11:45 ngayong umaga ay nakakuha na si Robredo ng 13, 975, 657 na boto habang ang pumapangalawa sa laban na si Sen. Bongbong Marcos ay mayroong 13, 763, 228.

Ang resulta ay base sa 95.75% ng mga election return na nabilang na simula nang magsara ang mga polling precincts noong Mayo 9.

Sa kasalukuyan si Cayetano naman ay nakakuha na ng botong 5, 658, 218.

Sa kanyang pahayag pinasalamatan lahat ni Cayetano ang kanyang mga tagasuporta.

Kasabay nito nanawagan din siya sa lahat na magkaisa na at suportahan ang papasok na liderato ni presumptive President Rodrigo Duterte.-DCR

Advertisements