Sen. Miriam Santiago dinala na sa Makati Med ICU

miriam.JPG

Sen. Miriam Defensor-Santiago (Image from Sen. Santiago’s Facebook PageSen. Santiago’s Facebook )

Ipinasok na sa intensive care unit (ICU) ng Makati Medical Center si Sen. Miriam Defensor-Santiago dahil sa komplikasyon ng kanyang sakit na lung cancer.

Sa pahayag ngayong hapon ng kanyang asawa sa media na si Mr. Narciso Santiago Jr. Lunes ng itakbo sa pagamutan ang senadora.

Mababatid na noong 2014 nang malaman na mayroong stage 4 cancer si Santiago.

Matapos naman ang halalan nitong nakaraang buwan ay sumulat ang senadora kay Senate President Franklin Drilon para sa extension ng kanyang medical leave.

Sa liham ng senadora ay dumaranas siya ng anorexia o kawalan ng gana sa pagkain dulot ng ilan sa mga gamot na kanyang iniinom dahil para siya ay manghina.-DCR

 

 

Advertisements