Duterte umaani ng batikos dahil sa komento tungkol sa media killings

Duterte

President-elect Rodrigo Duterte (Photo from Rody Duterte: The Real Change Facebook Page) 

Umaani ngayon ng batikos mula sa local at international press community si President-elect Rodrigo Duterte matapos ang pahayag nito tungkol sa serye ng mga pagpaslang sa mga mamamahayag sa bansa.

Ang isyu ay nag-ugat matapos tanungin ng mga mamamahayag si Duterte sa press conference nito sa Davao City noong Martes ng gabi tungkol sa isyu.

Ayon sa susunod na Pangulo, napapatay ang ilang taga media dahil sa pagiging tiwali ng mga ito. 

“Karamihan ‘yan, alam mo ‘yan nabigyan na, especially if you want to take sides, nabayaran mo na tapos you play. ‘Yan ang karamihan ng namatay. Or tumatanggap na sa mga sugarol tapos bira pa rin,” pahayag ni Duterte. 

Ibinigay na halimbawa ni Duterte ang pagpaslang noong 2003 sa mamamahayag na si Jun Pala sa Davao City. Ang biktima ay kilalang kritiko ni Duterte sa panahon ng pamamahala niya bilang mayor sa naturang syudad.

“Ang example natin dito, kung tagarito ka man, si (Jun) Pala. I don’t want to demean his memory but he was a rotten son of a bitch. He deserved it. Eh ganu’n eh. Of course I know who killed him. Kasi binastos niya ‘yung tao eh.

“You want the truth? ‘Yun ang truth. There is still corruption sa inyong side [media]… Karamihan ganun, kasi kung journalist ka lang na tama, wala namang gagalaw sayo especially if it is true,” pahayag pa ni Duterte. 

Ayon pa kay Duterte hindi laging magagamit na panangga ng mga mamamahayag ang freedom of expression na nakatadhana sa Konstitusyon. 

“Iyong freedom of expression cannot help you if you have done something wrong to the guy. Do not believe it so much na you swallow it hook, line, and sinker. Alam mo na marami diyan, binabayaran, pati writers. Alam mo iyan.”

“Freedom of expression won’t save you. The Constitution cannot help you kapag binaboy mo ang isang tao,”  pahayag pa ng susunod na Pangulo. 

Dahil sa naturang mga pahayag ay umani nang batikos ang susunod na Pangulo hindi lamang sa mga lokal na mamamahayag kundi maging sa international press community.

Sa pahayag ng grupong Reporters Sans Frontieres (RSF Reporters Without Borders), humiling ito sa mga mamamahayag sa Pilipinas na i-boycott ang mga press conference ng susunod na Pangulo hangga’t hindi ito naglalabas ng paumanhin para sa mga miyembro ng media.

“Reporters Without Borders (RSF) is outraged by Philippine President-elect Rodrigo Duterte’s comment yesterday that corrupt journalists are legitimate murder targets and urges the Philippine media to boycott his press conferences until he issues a formal, public apology. RSF also calls for legal action against Duterte.”

 Sa inilabas naman na pahayag ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sinabi ng grupo na nakakadismaya ang pahayag ng susunod na pangulo para lamang bigyan katwiran ang pagpaslang sa ilang mamamahayag.

” Nothing justifies the murder of journalists! It is appalling that President-elect Rodrigo Duterte should justify the murder of journalists in the country by playing the corruption card.”

Ayon pa sa NUJP, ang pahayag na ito ni Duterte ay tila nagdedeklara lamang ng ‘open season’ para sa mas marami pang pagpatay sa mga miyembro ng media. 

Bagama’t hindi itinatanggi ng grupo ang pagkakaroon ng mga tiwali sa hanay ng media sinabi nitong hindi ito katwiran para sa mga naganap na pamamaslang.

” Mr. Duterte’s crass pronouncement not only sullies the names and memories of all 176 of our colleagues who have been murdered since 1986, he has also, in effect, declared open season to silence the media, both individual journalists and the institution, on the mere perception of corruption. The National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) does not gloss over the fact that corruption is among the most pressing problems faced by the media. Nor do we deny that this could be the reason for a number of media killings. However, it is one thing to recognize a possible reason for murder; it is a totally different thing to present this as a justification for taking life,” pahayag pa ng NUJP. 

Para naman sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang pahayag na ito ni Duterte ay patunay lamang ng kabiguan nitong maunawaan ang patuloy at lumalalang kaso ng mga pagpatay sa mga taga media.

“The pronouncement made by President-elect Duterte is a faulty generalization in which he failed to understand how the intensifying culture of impunity perpetuates the killing of journalists and media workers in their line of duty.”

Kasabay nito ay nanawagan at nagpaalala ang CEGP sa susunod na Pangulo para sa tungkulin nitong protektahan at panatilihin ang kalayaan sa pamamahayag na nakasalig sa Konstitusyon. 

“The campus press calls the attention of President-elect Duterte to not fail on his duty to protect and uphold the constitutional guarantee to freedom of the press with his hasty generalizations and faulty rhetoric. He should be reminded that it is within his responsibility to address the already-worsening culture of impunity in the country,” pahayag pa ng CEGP. 

Ganito ang naging pahayag ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) sa pahayag ni Duterte. 

Ayon sa grupo, bilang isang halal na pangulo, dapat bigyang halaga ni Duterte ang kalayaan sa pamamahayag bilang isang importanteng bahagi ng demokrasya na siyang dahilan kung bakit siya naluklok sa pwesto. 

” CMFR has established that 152 journalists have been killed in the line of duty since 1986.  This number is a stain on our claim as a democratic society and exposes our boast about press freedom in the country as a sham. Despite some of its practitioners’ admitted flaws, the killing of journalists cannot be dismissed simply as something that cannot be helped. A democratically elected president must value the free press as essential to the democratic system that has elected him. Rodrigo Duterte, freely elected by the people, whose campaign relied on the free press to report his candidacy owes the Philippine press more than just this glib response,” pahayag pa ng grupo.-DCR

 

 

Advertisements