Pulis Davao na dinukot ng NPA hindi tutulungan ni Duterte matapos mahulihan ng droga

Duterte 1

President-elect Rodrigo Duterte during the release of five abducted policemen in Davao (Image courtesy of Kilab Multimedia)

Hindi na tutulungan ni President-elect Rodrigo Duterte na makalaya mula sa pagkakabihag ng News People’s Army (NPA) ang hepe ng pulisya sa Governor Generoso, Davao Oriental.

Nagbago ang isip ni Duterte na tulungan ang dinukot na pulis matapos nitong madiskubre na nakuhanan ng mga NPA ng ipinagbabawal na gamot ang naturang pulis.

Nakilala ang dinukot na si Chief Insp. Arnold Ongachen.

Bago nito ay umapela pa ang susunod na pangulo sa mga rebelde na palayain si Ongachen lalo na kung wala naman itong ginawang mali. 

Dinukot ng mga NPA si Ongachen matapos sugurin ng mga rebelde ang istasyon ng pulis sa naturang bayan noong May0 31. 

Nabatid na hindi bababa sa 40 rebelde ang umatake sa istasyon. Nagkaroon umano ng palitan ng putok at pinilit ng mga pulis na ipagtanggol ang kanilang istasyon subalit napilitan silang umatras matapos maubusan ng bala. 

“I said be I’d be harsh in dealing with drug. I’m sorry for that guy (Ongachen). I leave his fate to the NPAs,” pahayag pa ni Duterte.

Bukod sa hepe ng pulisya ay sinasamsam din ng mga rebelde ang matataas na uri ng armas sa police station.

Ayon kay Duterte, isang commander ng NPA ang nagparating sa kanya na nahulihan nila ng shabu si Ongachen. 

“What will you do? You have a kangaroo court there, you try him and sentence him to 20 years (of) hard labor,” pahayag ni Duterte sa ginawa nitong press conference sa Davao City. 

Sa kabila naman ng pagtanggi ni Duterte na tulungan ang nabihag na hepe ay nangako naman ang Malacañang at ang Philippine National Police na magsasagawa sila ng operasyon upang ma-rescue ang biktima.-DCR

 

Advertisements