UP Journalism Department binatikos ang komento ni Duterte tungkol sa media killings

Mariing binatikos ng University of the Philippines Department of Journalism na nasa ilalim ng College of Mass Communication ang pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte tungkol sa pagpaslang sa mga mamamahayag sa bansa.

Sa statement na inilabas ng departamento ng peryodismo, sinabi nitong ang pahayag ni Duterte ay naghuhudyat nang mas marami pang kaso ng pagpaslang at pang-aabuso sa hanay ng media sa halip na mabigyang hustisya ang mga kasong tulad nito. 

Ang pahayag ay pirmado ng mga mag-aaral at 10 propesor ng departamento sa pangunguna ng tagapangulo nitong si Evelyn Katigbak. Kabilang din sa mga lumagda sa pahayag ay sina Danilo Arao, Yvonne Chua, Rachel Khan, Ma. Diosa Labiste, Marichu Lambino, Cristina Rara, Jimmy Domingo, Ivy Mendoza at Tress Reyes

12.jpg

14

Ang pahayag na ito ay nag-ugat matapos batikusin ni Duterte ang media at sabihing ang katiwalian sa hanay ng mga tagapagbalita ang ugat ng pamamaslang sa ilan nitong mga miyembro. 

“Just because you are a journalist, you are not exempted from assassination if you are a son of a bitch,” pahayag ni Duterte. 

Ibinigay pa na halimbawa ni Duterte ang pagpaslang noong 2003 sa mamamahayag na si Jun Pala sa Davao City. Ang biktima ay kilalang kritiko ni Duterte sa panahon ng pamamahala niya bilang mayor sa naturang syudad.

“Ang example natin dito, kung tagarito ka man, si (Jun) Pala. I don’t want to demean his memory but he was a rotten son of a bitch. He deserved it. Eh ganu’n eh. Of course I know who killed him. Kasi binastos niya ‘yung tao eh.

“You want the truth? ‘Yun ang truth. There is still corruption sa inyong side [media]… Karamihan ganun, kasi kung journalist ka lang na tama, wala namang gagalaw sayo especially if it is true,” pahayag pa ni Duterte. 

Babala pa ni Duterte sa mga mamamahayag hindi magagamit ng mga ito ng freedom of express na nakatadhana sa Konstitusyon lalo na kung tiwali ang mga ito.

Ang mga pahayag na ito ang tahasang sinalungat ng UP Department of Journalism. Ayon sa kanila, taliwas sa pahayag ng susunod na pangulo, karamihan sa mga pinatay na miyembro ng media ay dahil sa pagtupad nila ng kanilang tungkulin.

“Contrary to his misinformed and malicious statements, majority of the slain journalists were killed in their attempt to expose corruption and crime in their communities. Thus, Duterte’s statement in unwarranted, unjust, and irresponsible coming from soon to be Head of State,” pahayag pa ng departamento. 

Kasunod nito ay nanawagan ang departamento na bawiin nito ang kanyang mga pahayag tungkol sa mga napaslang na mamamahayag. Nanawagan din ang UP Journalism Department sa susunod na pangulo na maging halimbawa sa pagtatanggol sa kalayaan ng pamamahayag.-DCR

 

 

 

 

Advertisements