Litratistang Pinoy nagkaisa, ‘Duterte walking photo exhibit’ isinagawa

Edwin

Filipino photographers expressed their support for the incoming Duterte administration with their walking photo exhibit to mark 118th Philippine Independence (Photo courtesy of Edwin Tuyay/Ryan Hernandez)

Mainit na ginunita ng mga litratistang Pilipino sa pangunguna ng Philippine Photographers’ Development Coop (PhotoDev) ang ika-118 Araw ng Kalayaan kahapon sa Rizal Park sa Maynila.

Sa pamamagitan ng isang walking photo exhibit na pinamagatang “Duterte: The Making of a President” ipinarada ng mga litratista mula sa hanay ng media, pribado at pampublikong sektor ang iba’t ibang larawan ni President-elect Rodrigo Duterte. Ang mga larawan ay kuha noong panahon ng  kanyang kampanya.

Layon nang aktibidad na magpakita nang suporta sa papasok na administrasyon ni Duterte na nakatakdang umupo sa darating na Hunyo 30.

Isinusulong din ng mga litratistang lumahok sa aktibidad ang pagpasa nang matagal ng nakabimbin na Freedom of Information Bill.

Ayon kay Mel Cortez pangulo ng PhotoDev, umaasa silang si Duterteang tunay na magiging instrumento ng pagbabago sa bansa. Kasabay nito ay nagpahayag si Cortez nang pagsuporta ng kanilang grupo sa susunod na Pangulo.

Optimistiko din si Cortez na papasa ang FOI Bill sa ilalim ng pamumuno ni Duterte sa tulong na rin ng Kamara at Senado.

“With the decisive support of incoming President Duterte and the incoming new leadership at the House of Representatives and the Senate, the rights of the people to information on matters of public interest shall finally be realized,” pahayag pa nito. 

Nagbabala naman si Cortez at sinabing ang kanilang mga camera ay hindi lang magdo-dokumento ng mga positibong pagbabago sa ilalim ng papasok na administrasyon kundi maging ng mga kamaliang magagawa nito.

Isang photo walk rin ang ikinasa ng beteranong photojournalist na si Edwin Tuyay at iba pang litratista na tinawag nilang “A Walk for Change” bilang bahagi pa rin ng paggunita sa Araw ng Kalayaan.

Ang nasabing mga grupo ay sama-samang nagtungo at nagkita kita sa Luneta Park.

Bago nito ay idinaos din sa lugar ang pagdiriwang para sa Araw ng Kalayaan na dinaluhan mismo ni Pangulong Benigno Aquino III. -DCR

 

Advertisements