June 30 hindi holiday- Malacañang

RTVM.jpg

Walang holiday bukas. 

Ito ang sagot ng Malacañang sa mga tanong kung idedeklara nga bang special non-working holiday ang June 30, 2016 kaugnay sa oath-taking nina President-elect Rodrigo Duterte at Vice President-elect Leni Robredo. 

Ayon kay PCOO Sec. Sonny Coloma, mananatiling regular day ang June 30. 

“As per the text message I received from Executive Ochoa at 12:10 p.m. today: ‘June 30, 2016 is a regular working day,'” pahayag pa nito. 

Noong 2010 ay idineklara ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang June 30 bilang special non-working holiday bilang pagbibigay daan sa panunumpa noong ni Pangulong Benigno Aquino III at Vice President Jejomar Binay.

Una nang sinabi ng papasok na administrasyong Duterte na ayaw nitong maabala ang pamumuhay at trasaksyon ng mga mamamayan sa araw ng inagurasyon.

Dahil dito, bukod sa hindi idineklarang holiday ang araw ng bukas ay gaganapin din ang panunumpa ng bagong pangulo sa Malacañang imbes sa traditional venue na Quirino Grandstand.-DCR

 

Advertisements