Duterte nanumpa na bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas

1

Photo from RTVM

Naganap na ngayong araw ang makasaysayang panunumpa ni Rodrigo Roa Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

03

President Duterte’s oath taking as 16th President of the Philippines inside Rizal Hall, Malacañan Palace (Photo from RTVM) 

Ganap na 12:00 ng tanghali ngayong araw nang manumpa sa harapan ni Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes si Duterte kasama ng kanyang apat na anak.

Ang okasyon na ginanap sa loob ng Rizal Hall sa Malacañang ay sinaksihan ng malalapit na kapamilya, kaibigan, miyembro ng gabinete, mga opisyal ng gobyerno at koro diplomatiko.

Bago manumpa ay naunang dumating sa Palasyo si dating Pangulong Benigno Aquino III. Ilang sandali pa ay kasunod na nitong dumating si Duterte.

01

President-elect Rodrigo Duterte (left) with outgoing President Benigno Aquino III (right)  before he took his oath as 16th President of the Philippines   (Photo from Malacañang Photo Bureau)

Ang dalawa ay nagkita sa loob ng Malacañang bago pumirma ang bagong pangulo sa Malacañang guestbook. Matapos nito ay nagpulong sandali ang dalawa bago inihatid ni Duterte si Aquino sa Malacañang grounds para sa huling departure honor na iginawad dito ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

3

President-elect Duterte during the final departure honors for outgoing President Aquino in Malacañan Palace    (Photo from RTVM)

Matapos nito ay inihatid na ni Duterte si PNoy sa kotse paalis sa Palasyo na siyang nagdala dito sa lumang bahay nila sa Times St. Quezon City kung saan ito titira matapos ang kanyang termino simula ngayong araw.

02

President Rodrigo Duterte (extreme right to left) with former Philippine presidents Fidel V. Ramos and Joseph Estrada and Senate President Franklin Drilon   (Photo from RTVM) 

Si Duterte naman ay agad na nagtungo sa Rizal Hall para manumpa.

Matapos nito ay ibinigay ni Duterte ang kanyang inaugural speech bago bumaba sa Malacañang grounds para sa kanyang kauna-unahang full military honors na iginawad ng AFP sa kanya bilang kanilang bagong Commander in Chief. 

UNANG TALUMPATI BILANG PANGULO

Dito muling inulit ni Duterte ang mithiin ng kanyang administrasyon na pagsugpo sa droga, kriminalidad at korapsyon sa pamahalaan.

Tahasan ding sinabi ni Duterte na isa sa mga pagsubok na haharapin ng kanyang administrasyon ay ang pagbagsak ng tiwala ng taumbayan sa gobyerno.

Aniya, nagbubunsod ito ng kawalang tiwala ng sambayan sa justice system ng bansa, kawalang tiwala sa mga lider ng gobyerno at pagkawala ng tiwala na kayang iangat ng mga pinuno sa gobyerno ang buhay ng mga mamamayan.

Nanawagan din si Duterte sa Commission on Human Rights at sa Kongreso na hayaan siya ng mga ito na malayang maipatupad ang trabaho ng isang pangulo.

6

Photo from RTVM

Sa kanyang talumpati ay agad ding inatasan ni Duterte ang lahat ng pinuno ng mga ahensya sa pamahalaan na bawasan ang mga rekisitos at ang processing time ng mga transaksyon sa gobyerno.

Nanawagan din ito sa mga miyembro ng kanyang gabinete na itigil ang pagpapalit ng mga alituntunin sa mga kontratang pinasok ng gobyerno sa panahong umiiral at ipinapatupad na ang nilalaman ng nasabing mga kontrata. 

Sa usaping pangkapayapaan naman ay nangako si Duterte na ipatutupad nito ang mga umiiral na kasunduang pinasok ng gobyerno na may kaugnayan sa kapayapaan. 

Sa huli ay nanawagan si Duterte na samahan siya ng taumbayan sa panibagong paglalakbay niyang ito para pamunuan ang bansa.

5

Photo from RTVM

UNANG CABINET MEETING

Matapos ang talumpati ay pinangunahan ni Duterte ang sabayang panunumpa ng mga miyembro ng kanyang gabinete.

4

Duterte administration’s first cabinet meeting (Photo from RTVM)

Makaraang tanggapin ang pagbati ng mga miyembro mula sa koro diplomatiko ay agad na pinulong ni Duterte ang miyembro ng kanyang gabinete.

Dito ay isa isang inulat ng kanyang mga gabinete ang mga hawak nilang transition report mula sa mga ahensyang nakatakda nilang pamunuan.

UNANG PULONG SA MGA PROGRESIBO

Sa kauna-unahan at pambihirang pagkakataon ay kinausap din agad ni Duterte sa Malacañang ilang oras matapos siyang manumpa ang mga miyembro ng progresibong grupo.

Kabilang sa mga nakaharap ni Duterte ay sina Bayan Secretary General Renato Reyes, dating Gabriela Partylist Rep. Liza Maza, Kilusang Mayo Uno Chairperson Elmer Labog, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Chairperson Antonio Flores at Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago.

7

President Duterte after his meeting with leaders from various national democratic organizations               Photo from RTVM

Inihain ng mga progresibong grupo sa pakikipagpulong nila kay Duterte ang nilalaman ng People’s Agenda for Change na nabuo matapos ang National People’s Summit na ginawa sa University of the Philippines Diliman ilang araw bago ang inagurasyon.

8

Photo from RTVM

Sa Facebook post ni Reyes sinabi nito na kabilang sa mga napag-usapan sa pulong nila kasama ang bagong upong Pangulo ay ang tungkol sa isyu ng kontraktwalisasyon, reporma sa lupa at ang pagpapalaya sa mga bilanggong politikal sa bansa.

Ayon pa kay Reyes, binanggit umano ni Duterte sa kanila ang seryoso nitong pagnanais na matunton at mawakasan ang ugat ng ilang dekada nang armadong pakikibaka sa bansa.

9

President Duterte during his meeting with various militant leaders inside Malacañan Palace after his inauguration. The event is a rare sight in the Palace since the leftist movement is a well known critic of the government (Photo from RTVM)

INAGURASYON NAGING MAAYOS SA PANGKALAHATAN

Naging maayos ang naging inagurasyon ngayong araw. Bago pa manumpa si Duterte ay nauna nang nanumpa bilang ika-14 na Pangalawang Pangulo si dating Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

10

President Duterte bids farewell to former President Aquino before he leaves Malacañan Palace (Photo from Malacañang Photo Bureau)

Ginawa ang oath taking ni Robredo sa Quezon City Reception House sa New Manila kung saan dating nakatayo ang kontrobersyal na Boracay Mansion.

Isang simpleng salu-salo ang inihanda ng kampo ni Robredo para sa kanyang mga piling kapamilya, kaibigan at supporter na dumalo sa pagtitipon.

Robredo

Leni Gerona Robredo takes his oath as 14th Vice President of the Philippines  (Phoro from Office of the Vice President)

Isa sa highlight ng programa ay ang pagpapadalo ni Robredo sa mga sektor na karaniwan nang nasa laylayan ng lipunan tulad ng mga kababaihan, magsasaka at mangingisda.

Sa panunumpa naman ni Duterte, umaga pa lamang ay mahigpit na ang seguridad na ipinatupad sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kung saan unang tumuloy ang kanyang mga bisita.

04.jpg

Photo from RTVM

Mula sa PICC ay sabay sabay na ibinyahe sakay ng walong bus ang mga VIP patungo sa Malacañang. Unang nang sinabi ni Duterte na gagawin ito upang hindi magdulot ng sobrang abala sa daloy ng trapiko.

Sa Malacañang naman ay napanatili ng kampo ni Duterte ang kasimplehan nang okasyon matapos hainan ng ginisang monggo na may tinapa at alugbati, pandesal, kesong puti, Vigan longganisa at pine-mango cooler ang mga dumalo sa okasyon. -DCR

 

Advertisements