SILIPIN| Mga huling oras ni PNoy sa Malacañang

Ganap na 12:00 ng tanghali ngayong araw ay bumaba sa kanyang pwesto ang pinakamataas na lider ng bansa upang bigyang daan ang pag-upo sa pwesto ng kanyang kahalili na si President-elect Rodrigo Duterte.

Kahapon sa huling araw ni Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang ay ilang larawan ang inilabas ng Malacañang Photo Bureau upang ipakita ang mga huling sandali ng Pangulo sa Palasyo.

noy1

Former President Aquino greet and shakes the hand of President Rodrigo Duterte  before leaving the Malacañan Palace his home for six years (Image from Malacañang Photo Bureau)

 

PNoy 1

Photo taken June 29, 2016 Joseph Vidal/Malacañang Photo Bureau 

Hanggang sa huling araw niya sa pwesto ay tinupad ng Pangulo ang kanyang pangako sa taumbayan na magtatrabaho siya para sa mga ito.

Ilang dokumento pa ang nakitang binabasa at pinipirmahan nito kahapon sa kanyang opisina.

noy4

President Duterte ushers former President Aquino as he leaves Malacañan Palace    (Image from Malacañang Photo Bureau)

 

Una nang sinabi ng Pangulo na handa siyang tumulong sa Duterte administration.

“So, when I get to see him (Duterte), and actually I communicated this to (incoming Executive Secretary) Atty. Medialdea, na it is our hope, that the elections are over, we share one country, we’d like them to be able to build upon all of the things that we have started, we have implemented, and we have completed.

PNoy2

Phoro taken June 29, 2016 Gil Nartea/Malacañang Photo Bureau 

Bago ang pormal na pagkikita sa Malacañang sinabi ng Pangulo na nagkausap na sila ni Duterte at personal niya itong inalok ng tulong kasabay ng pag-upo nito sa pwesto.

“I think we asked each other how we were and I reiterated the offer to be of assistance, in any and every manner that they need it. And, more or less, it was a pleasant conversation. That’s how it ended,” pahayag pa ni PNoy.

PNoy3

Photo taken 29 June 2016 Gil Nartea/Malacañang Photo Bureau 

Sa Malacañang sinalubong ng Pangulo si Duterte. Ang dalawa ay pumasok sa Palasyo upang sandaling mag-usap.

Matapos ang sandaling palitan ng mga pagbati ay maayos at pormal na inihatid ni Duterte ang Pangulo palabas ng Malacañang para sa pagbibigay dito ng Armed Forces of the Philippines ng kanilang huling parangal bilang commander in chief.

noy2

PNoy trooping the line for the last time (Image from Malacañang Photo Bureau)

 

 

Aquino

Photo taken June 29, 2016  Gil Nartea/Malacanang Photo Bureau

noy3

President Duterte salutes former President Aquino as he leaves the Palace ground (Image from Malacañang Photo Bureau)

noy5.jpg

Former President Aquino’s car leaving Malacañan Palace (Image from Malacañang Photo Bureau)

Si Aquino na nanirahan sa Bahay Pangarap sa Malacañang sa loob ng anim na taon ay babalik sa kanilang tahanan sa Times St. Quezon City mamayang hapon.

Kabilang sa mga plano umano ng Pangulo matapos ang termino ay ang puntahan ang magagandang lugar na hindi niya nabisita sa loob ng anim na taon.-DCR

 

Advertisements