ALAMIN| Sweldo ng mga miyembro ng gabinete ni PNoy noong 2015 inilabas ng COA

Aquino cabinet

Former President Benigno Aquino III with his Cabinet (Photo courtesy of Malacañang Photo Bureau) 

Inilabas na ng Commission on Audit (COA) ang ulat na naglalaman ng mga sweldo at allowance na tinanggap ng mga opisyal ng gobyerno para sa taong 2015.

Ang mga impormasyong ito ay nakapaloob sa  2015 Report on Salaries and Allowances.

Batay sa ulat ng COA, si Health Sec. Janet Garin ang may pinakamalaking sinahod noong 2015 sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III.

Umabot sa P2.521 milyon ang kabuuang sinahod ni Garin.

Sa ulat ng komisyon, si Garin ay nakakuha ng basic salary na nagkakahalaga ng P1.08 milyon. Mayroong ding P425,750.91 na tinanggap ang dating kalihim para sa pag-upo niya bilang tagapangulo ng board of directors ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Bukod dito ay tumanggap siya ng P235,000 na bonus, P408,037.31 para sa allowance, P24,000 para sa additional honorarium at P348,000 discretionary funds.

Pumangalawa naman sa may pinakamataas na sweldong tinanggap noong 2015 si Budget Sec. Butch Abad.

Sa halagang ito nasa P1.092 milyon ang kanyang basic pay. Tumanggap din siya ng P173,000 para sa allowance, P213,980 para sa bonus, P308,000 para sa discretionary fund , P24,000 para sa honorarium, at 423,788 para sa kanyang pag-upo bilang pinuno ng DBM-Procurement Service.

Pumangatlo naman sa listahan si Commission on Higher Education (CHED) Chairman Patricia Licuanan na sumahod ng P2.209 milyon.

Pang-apat sa listahan si Labor Sec. Rosalinda Baldoz na nakatanggap ng P2.167 milyon at panglima si Science and Technology Sec. Mario Montejo na sumweldo ng P2.166 milyon.

Nasa pang-anim naman si Agriculture Sec. Proceso Alcala na sumahod ng kabuung P2.076 milyon. 

Pang pito si Transportation and Communication Sec. Jun Abaya na nakakuha ng P2.058 milyon.

Pang walo si Justice Sec. Benjamin Caguioa na nakakuha ng P2.038 milyon habang ang pinalitan niyang si Sen. Leila de Lima ay sumahod ng P1.908 milyon hanggang sa bago ito bumaba sa pwesto para sa halalan.

Pang siyam si Education Sec. Armin Luistro na sumahod ng kabuuang P1.997 milyon. Si Luistro rin ang pinakamahirap sa lahat ng miyembro ng gabinete ni PNoy kung pagbabatayan ang Statements of Assets, Liabilites anf Net Worth (SALN) ng mga ito habang pang sampu si National Anti Poverty Commission chairman Jose Eliseo Rocamora na sumweldo ng kabuuang P1.995 milyon noong 2015.

Narito ang listahan ng mga sinahod ng iba pang miyembro ng gabinete ni Aquino noong 2015: 

11. Executive Secretary Paquito Ochoa Jr – P1.952 milyon
12. Presidential Adviser on Military Affairs Danilo Cortez – P1.935 milyon 
13. Trade and Industry Secretary Gregory Domingo – P1.933 milyon 
14. Finance Secretary Cesar Purisima – P1.932 milyon 
15. Presidential Spokesperson Edwin Lacierda – P1.919 milyon 
16. Environment Secretary Ramon Jesus Paje – P1.916 milyon
17. Presidential Management Staff head Julia Andrea Abad – P1.916 milyon 
18. Tourism Secretary Ramon Jimenez Jr – P1.901 milyon 
19. National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan – P1.884 milyon 
20. Social Welfare Secretary Corazon Soliman – P1.864 milyon 
21. National Security Council Director General Cesar Garcia Jr – P1.849 milyon 
22. Presidential Communications Operations Office chief Herminio Coloma Jr – P1.849 milyon
23. Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Teresita Deles – P1.800 milyon
24. Public Works Secretary Rogelio Singson – P1.779 milyon
25. Defense Secretary Voltaire Gazmin – P1.703 milyon
26. Agrarian Reform Secretary Virgilio Delos Reyes – P1.653 milyon
27. Energy Secretary Zenaida Monsada – P1.550 milyon /Carlos Jericho Petilla – P889,500

28. Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario – P1.535 milyon
29. Presidential Legislative Liaison Office chief Manuel Mamba – P1.443 milyon
30. Metro Manila Development Authority Chair Francis Tolentino – P1.374 milyon
31. Local Government Secretary Manuel Roxas II – P1.307 milyon/Mel Senen Sarmiento – P550,500

32. Technical Education and Skills Development Authority Secretary Emmanuel Joel Villanueva – P1.246 milyon

-DCR

 

Advertisements