#DuterteSONA | JULY 25 walang pasok all levels

SONA

Extended ang bakasyon ng mga estudyante sa araw ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes, July 25 sa buong Quezon City.

Ito ay matapos ideklara ngayong araw ni QC Mayor Herbert Bautista ang kanselasyon ng klase sa araw ng SONA ni Duterte sa Lunes. 

Base sa paabiso ng Quezon City local government, kanselado ang klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong mga paaralan sa lungsod sa July 25.

Kabilang sa ikinonsidera dito ay ang maiiwas ang mga mag-aaral sa posibleng traffic sa lungsod partikular na sa bahagi ng Commonwealth Avenue at Batasan Road. 

Tradisyonal nang nagsususpinde ng klase ang mga paaralang nakapalibot sa Batasan Pambansa sa tuwing sasapit ang SONA.

Sa kabila nito minabuti ng pamahalaang lungsod ng QC na gawing mas malawak ang suspensyon ng klase ngayong taon para mabigyan na rin ang mga mag-aaral sa lungsod na makapakinig at makapanood sa unang SONA ng bagong Pangulo.

Bukod sa trapik ay inaasahan din na dadagsa ang iba’t ibang grupo na magsasagawa ng kilos protesta sa araw ng SONA.

Sa kabila nito ay tiniyak naman ng Philippine National Police na handa sila sa pagbibigay ng seguridad sa darating na Lunes.-DCR

 

Advertisements