KAUNA-UNAHAN SA KASAYSAYAN | 91% ng mga Pilipino tiwala kay Duterte

Duterte2.jpg

President Rodrigo Duterte with Sec. Bong Go  (Photo courtesy of Presidential Communications

Sa kauna-unahang pagkakataon simula ng itatag ang Pulse Asia ay nakakuha ang isang kauupo pa lamang na Pangulo ng bansa ng pinakamataas na trust rating.

Nakakuha si Pangulong Rodrigo Duterte ng 91% trust rating batay sa survey na ginawa ng Pulse Asia noong Hulyo 2 hanggang 8. Ginawa ang survey ilang araw matapos ang kanyang panunumpa noong June 30.

Umabot sa 1,200 Pilipino ang kasama sa naturang survey na may edad 18 pataas.

Nasa 8% naman ang undecided kung pagkakatiwalaan ba nila ang bagong pangulo habang nasa 0.2% lamang ang nagsabing wala silang tiwala kay Duterte.

Ikinatuwa ng Malacañang ang record high rating na nakuha ng Pangulo. 

pulsa asia image 002

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, magsisilbing inspirasyon sa kanila ang tiwalang nakukuha mula sa sambayanan upang gawin ang ipinangako nilang pagbabago sa mga ito.

” We thank the Filipino people for their overwhelming support to the governance of President Rodrigo Duterte. This record-high trust rating of 91%, as reflected in the July 2 – 8 Pulse Asia survey, is a humbling reminder that the genuine and meaningful change that our people aspire for is now being felt. A position of leadership is often a lonely one. However, a servant-leader, as they say, has to take people where they don’t want to go, but ought to be,”  pahayag pa ni Andanar.

Pinakamataas na trust rating ang nakuha ni Duterte sa Mindanao kung saan umabot ito sa 97%. Sa Metro Manila ay nakakuha ito ng 92% habang 89% ang nakuha niya sa balance Luzon at Visayas.

Pagdating sa antas sa lipunan nasa 92% ang trust rating na nakuha ni Duterte sa class D at E habang nakakuha siya ng 89% sa class ABC.

Lumabas din sa survey na nais ng taumbayan na gawing prayoridad ng administrasyong Duterte ang pagtugon sa problema ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin o ang inflation, nakakuha ito ng 68%. 

Sumunod dito ang isyu tungkol sa pagkakaroon ng trabaho na may 56% at programang tutugon para sa mga mahihirap na nakakuha ng 55%.-DCR

 

 

Advertisements