FOI executive order nilagdaan na ni Duterte

Photo1

Communications Sec. Martin Andanar and Sec. Bong Go looks at President Rodrigo Duterte as he signs executive order on Freedom of Information last July 23 in Davao City (Photo from Presidential Communications)

 

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order para sa Freedom of Information (FOI). 

Ito ang ibinalita ngayong araw ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar.

Ayon kay Andanar, nilagdaan ni Duterte ang kautusan bandang 7:00  kagabi sa Davao City.

Sakop ng executive order ang lahat ng tanggapan ng gobyerno sa ilalim ng Ehekutibo pati na ang mga government owned and controlled corporation (GOCCs) at state universities and colleges (SUCs). Ang mga lokal na pamahalaan naman ay hinihikayat na sundin ang inilabas na executive order.

” Only 25 days as president, Rody Duterte has already signed this EO. This is a landmark EO that he’s signed,” pahayag pa ni Andanar. 

Layon ng bagong kautusan ng Pangulo na panatilihin ang transparency sa gobyerno.

Dahil sa bagong kautusan ay maaari nang humingi ang publiko lalo na ang media ng mga dokumentong dati ay mahirap hingin sa mga ahensya ng gobyerno. Kasama sa mga pwedeng hingin sa ilalim ng kautusan ay ang mga statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga opisyal at kawani ng gobyerno,  kontratang pinasok ng pamahalaan, minutes of meeting, electronic at computer stored data. 

Base sa EO ang sinumang opisyal ng gobyerno na mabibigong magbigay ng mga dokumentong hinihingi ng isang nagre-request ay posibleng humarap sa mga nakatakdang parusa.

Paglalabas ng People’s FOI Manual iniutos 

Inaatasan din ang lahat ng ahensya, kawanihan at kagawaran ng gobyerno na maglabas ng kanilang sariling mga People’s FOI Manual sa loob ng 120 araw matapos ang paglabas ng executive order. 

Lalamanin ng mga manual ang mga impormasyon tungkol sa mga kawani o opisyal na ng isang ahensya o kagawaran na pwedeng kontakin ng taumbayan para sa kinakailangan nilang mga dokumento o impormasyon.

Nakalagay rin dapat sa manual ang proseso ng paghingi sa impormasyong kailangang makuha at ang halaga para maproseso ito.

Bagama’t pinagbabawalan ang mga ahensya ng gobyerno na maningil ng acceptance fee para sa pagtanggap ng mga FOI request ay pinapayagan naman ang mga ito na maningil ng tamang halaga na kakailanganin para sa pag-reproduce ng mga dokumento tulad ng pag-print o pag-xerox.

Bago ang makasaysayang paglalabas ng FOI EO ni Duterte ay isang dayalogo kasama ang mga stakeholder ang isinagawa ng Malacañang. Kabilang sa mga dumalo rito ay ang mga pinuno ng iba’t ibang media organization sa bansa. 

Sa kanyang inaugural speech noong June 30 una nang ipinangako ni Duterte ang paglalabas ng EO para sa FOI. 

Sa kabila ng kautusang inilabas hindi nito sakop ang Lehislatura at Hudikatura kung kaya patuloy pa rin ang pagsusulong ng iba’t ibang indibidwal at samahan para sa pagkakaroon ng FOI law.-DCR

FULL TEXT OF EXECUTIVE ORDER ON FREEDOM OF INFORMATION IN PHOTO

FOi1

 

FOI2FOI3

FOI4FOI5FOI6

Advertisements