Mocha Uson itinalagang consultant sa Bureau of Customs

mocha

Mocha Uson (Photo from Mocha Uson Blog) 

Itinalaga bilang consultant sa Bureau of Customs (BOC) si Mocha Uson kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa kumpirmasyon mula mismo kay BOC Commissioner Nicanor Faeldon, si Uson ay itinalaga bilang social media consultant ng kawanihan.

Si Uson ay kilalang tagasuporta at kasama sa mga celebrity na nangampanya para dito noong panahon ng halalan.

Sa kabila nito, wala pang isang oras matapos kumalat ang balita ng pagkakatalaga kay Uson ay agad itong pinabulaanan ng BOC.

BOC

Sa pahayag ng BOC sa kanilang Twitter page ay pinabulaanan ni Faeldon na itinalaga nito si Uson bilang social media consultant subalit maaari pa rin umanong magsulat ng mga artikulo si Uson na may kaugnayan sa kawanihan.-DCR

 

Advertisements