SENADORA MAY DRIVER LOVER UMANO | De Lima tinawag na imoral ni Duterte

 

Duterte De Lima

President Rodrigo Duterte and Sen. Leila de Lima (Photo from politics.com.ph)

Tahasang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Leila de Lima ngayong araw bilang senadora na kanyang tinutukoy na may relasyon umano sa mismong driver nito.

“You want to know the name? De Lima,” pahayag ng Pangulo. 

Ang pahayag ay nagmula sa naunang talumpati ni Duterte na ginawa nito sa Camp Crame ngayong araw matapos dumalo sa 115th Police Service Anniversary.

Sa talumpati sa naturang okasyon tinukoy ni Duterte ang tungkol sa isang senador na umano’y may relasyon sa kanyang sariling driver.

Sinabi pa ni Duterte na ang driver ng naturang senadora ang siya ring kolektor ng campaign funds nito noong panahon ng halalan.

“Here’s a senator complaining. One day I will tell you that her driver himself, who was a lover, was the one collecting money for her during the campaign. An immoral woman, insofar as the driver’s wife is concerned, it’s adultery. Here’s a woman who funded a house of a lover and yet we don’t see any complaint about it,” pagbubunyag ng Pangulo. 

Matapos ang aktibidad sa Camp Crame ay agad na nagtungo si Duterte sa isa pang aktibidad. Sa kasagsagan ng press conference ay isang mamamahayag ang nagtanong kung pwede bang pangalanan ng Pangulo ang binabanggit nitong senadora.

VIDEO COURTESY OF CNN PHILIPPINES 

Dito na tuluyang ibinunyag ni Duterte ang sagot sa tanong ng media.

Ang maanghang na pahayag ng Pangulo laban sa senadora ay naganap ilang araw bago ang nakatakdang hearing sa Senado na ipinatawag ni De Lima.

Layon ng pagdinig ng Justice Committee ng Senado kung saan tagapangulo si De Lima na siyasatin ang sunod sunod na kaso ng summary execution na nagaganap sa bansa kasabay ng laban kontra ilegal na droga ng administrasyon.

Imbitado sa naturang pagdinig ang ilang matataas na opisyal ng PNP kabilang na si Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.-DCR

 

Advertisements