PAALAM MIRIAM | Sen. Miriam Santiago pumanaw na

miriam-3

 

Pumanaw na si dating Sen. Miriam Defensor-Santiago ngayong umaga.

Siya ay pumanaw sa edad na 71 habang natutulog.

Si Santiago ay isinilang sa Iloilo City noong June 15, 1945.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma mismo ng kanyang asawa na si Atty. Narciso ‘Jun‘ Santiago.

“She died peacefully in her sleep this morning,” pahayag ng kabiyak ng senadora.

Matatandaan na unang ibinalita ng senadora sa publiko na siya ay mayroong stage 4 lung cancer noong 2014.

Sa kabila nito ay nakapaghain pa kanyang kandidatura si Santiago para sa 2016 National Elections bilang pangulo.

Matapos hindi palarin sa halalan, bumaba si Santiago bilang senador noong June 30, 2016.

Nanilbihan si Santiago sa Senado mula 1995 hanggang sa bumaba sa kanyang huling termino noong June 30.-DCR

 

 

Advertisements