Krista Miller arestado sa droga

krista

Krista Miller  (Photo courtesy of abscbnnews.com)

 

Arestado sa isang drug buy bust operation ang artistang si Krista Miller at dalawang iba pang modelo ngayong araw.

Base sa paunang impormasyon ay mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) ang nakatimbog sa grupo ni Miller.

Kabilang sa dalawang modelong nadakip kasama ni Miller ay sina  Jeramie Padolina o mas kilala bilang si ‘Jem Milton’  at si Liaa Alelin Bolla.

Hindi ito ang unang kontrobersya na kinasangkutan ni Miller o Kristalyn Bacolod Engle sa tunay na buhay.

dzmm1

Image courtesy of DZMM Teleradyo and Jeffrey Hernaez

.

dzmm2

Image courtesy of DZMM Teleradyo and Jeffrey Hernaez 

Noong May 31, 2014 ay ibinunyag ng noon ay si Justice Undersecretary Francisco Baraan ang pagbisita umano ni Miller sa convicted drug lord na si Ricardo “Chacha” Camata.

Nabalita noon ang sinasabing pagpunta ni Miller sa kwarto ni Camata habang ito ay nasa Metropolitan Medical Center, isang ospital na nasa labas ng National Bilibid Prison.-DCR

 

Advertisements