Model Jem Milton arestado sa droga

jem

 

Nadakip sa drug buy bust operation ang sikat na modelong si Jem Milton o si Jeramie G. Padolina sa tunay na buhay.

Kasamang nadakip ni Padolina ang kasamang modelo na si Liaa Alelin Bolla at ang aktres na si Kristalyn Bacolod Engle o mas kilala bilang si Krista Miller.

Ang tatlo ay iniharap ng Quezon City Police District (QCPD) sa mga kagawad ng media ngayong umaga.

Kasama ring nadakip sa operasyon sina John Inri Barros, Justine Del Rosario at Renato Hernandez.

Ang anim ay sinampahan na ng kasong paglabag sa sa Republic Act 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002.

padolina

Photo from DZBB/Allan Gatus 

 

bolia

Photo from DZBB/Allan Gatus 

Bukod sa mga nabanggit na personalidad, noong nakaraang linggo lamang ay nadakip na rin ng pulisya ang dating artista na si Sabrina M. dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga.-DCR

 

 

 

 

 

 

Advertisements