#LawinPH | Signal No.4 itinaas na sa Cagayan at Isabela

12.gif

Itinaas na ang tropical cyclone signal No.4 sa Southern Cagayan at Isabela.

Ito ay dahil sa inaasahang pagtama ng bagyong Lawin (Haima) doon simula mamayang gabi hanggang bukas ng madaling araw. 

Sa latest bulletin ng PAGASA ngayong 11:00 ng umaga nabatid na may taglay na ang bagyong Lawin ng lakas ng hangin na umaabot sa 205 kph at pagbugso ng aabot sa 305 kph. 

Huli itong namataan bandang 10:00 ng umaga sa layong 385 km silangan ng  Casiguran, Aurora.

Nakataas na ang  signal no.3 sa Rest of Cagayan, Apayao, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao, Quirino at Northern Aurora. 

Ang signal no.2 naman ay itinaas na sa mga lalawigan ng sa Calayan Group of Island, La Union, Bengue, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Pangasinan, Rest of Aurora at Tarlac.

Samantalang signal no.1 naman sa Batanes, Zambales, Pampanga, Bulacan, Bataan, Northern Quezon, Polilio Island, Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte.

Inaasahan na magiging super typhoon ang bagyong Lawin kaya malaki ang posibilidad na magtaas pa ng signal no.5 ang PAGASA.

Kasabay nito ay pinaghahanda na ang lahat ng lugar na tatamaan ng bagyo partikular ang mga nakapasailalim sa mga storm signal na maghanda.-DCR

Advertisements