BAGONG U.S. AMBASSADOR NANUMPA NA | Alyansa ng US at Pilipinas mananatili- Sung Kim

sung-kim

Newly ambassador designate to the Philippines Sung Kim sworn in before US Secretary of State John Kerry yesterday 03 November 2016  (Screenshot from the video provided by US Department of State)

 

Nanumpa na ang bagong embahador ng United States of America para sa Pilipinas na si Sung Y. Kim. 

Pinalitan ni Kim si dating US ambassador to the Philippines Philip Goldberg. 

Naganap ang panunumpa kagabi ni Kim bandang 11:30 (Philippine time) sa US State Department sa Washington D.C. na pinangasiwaan ni Secretary of State John Kerry. 

Si Kim na isang Korean American  at career diplomat mula sa US Foreign Service ay nakakuha ng nominasyon mula  kay US President Barack Obama noong May 18, 2016. Ang appointment naman ay kinumpirma ng Senado ng Amerika noong September 28.

Bago ang pagtatalaga sa Pilipinas, si Kim ay naglingkod bilang US ambassador sa South Korea mula 2011 hanggang 2014. Matapos nito ay muling bumalik sa Amerika si Kim para maglingkod sa East Asian Affairs Bureau ng US State Department bago makakuha ng nominasyon mula kay Obama.

Si Kim ay ipinanganak sa Seoul, South Korea noong 1960. Nagtapos siya sa University of Penssylvania saka kumuha ng abogasya sa Loyola Marymount University at nagtapos din ng masterado sa London School of Economics.

Inaasahan na si Kim ang magiging daan para maging maayos ang relasyon ng US at Pilipinas sa gitna ng mga maiinit na pahayag laban sa Amerika ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang inaugural remark sinabi ni Kim na mananatili ang alyansa ng Amerika at Pilipinas. 

“I’m thrilled to have the honor of representing our country in the Philippines, our oldest ally in Asia and one of our most special friends anywhere. The U.S. and the Philippines are and will continue to be close friends, partners, and allies,” pahayag ni Kim.

Binigyang diin din ni Kim ang kontribusyong naibibigay ng nasa apat na milyong Filipino-American sa US at dito sa Pilipinas.

“When President Obama visited the Philippines in 2014, he talked about the spirit, the kalooban, that defines the extraordinary warmth, vitality, and strength of our relationship. That spirit is embodied in deep people-to-people ties between our two countries. There are 4 million Filipino Americans in the United States. Generous and committed to family and tradition, Filipino Americans give back to their communities both here in the United States and in the Philippines. And together with the many Americans residing in and visiting the Philippines, they help build bonds that unite and strengthen both our countries.” 

Sa huli sinabi ng bagong ambassador na hangad niyang maipagpatuloy ang relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at US. 

“For many years, the United States has been among the Philippines’ top trading partners and its larger foreign investor. I very much look forward to continuing our robust economic engagement and to reinforcing the good work USAID and the Millennium Challenge Corporation have done to promote inclusive and sustainable economic growth,” pahayag pa ni Kim. 

Inaasahan na darating si Kim sa bansa ngayong Nobyembre saka ito pormal na haharap sa Pangulo para i-presenta ang kanyang mga dokumento.-DCR

 

 

Advertisements