US ELECTION 2016 | Pangulong Duterte nagpaabot na ng pagbati sa pagkapanalo ni US president-elect Donald Trump

duterte-2

Philippine President Rodrigo Duterte and US President-elect Donald Trump 

 

Nagpaabot na ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay United States President-elect Donald Trump. 

Ito ay matapos makuha ng Republican Party presidential nominee ang mahigit 270 electoral votes dahilan para ito ang maideklarang panahon sa katatapos lamang na US presidential election.

Sa mensahe ni Duterte kay Trump na ipinaabot sa pamamagitan ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, sinabi ng Pangulo na mainit niyang binabati si Trump sa pinakahuling tagumpay nito.

Ayon pa sa Pangulo, hangad niya ang tagumpay ni Trump sa susunod na apat na taon ng pamumuno itong bilang presidente ng Amerika. Kasabay nito ay sinabi rin ni Duterte na umaasa siya sa mas maayos pang relasyon ng US at Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Trump.

“President Duterte wishes President-elect Trump success in the next four years as Chief Executive and commander-in chief of the U.S. military, and looks forward to working with the incoming administration for enhanced Philippines-US relations anchored on mutual respect, mutual benefit and shared commitment to democratic ideals and the rule of law,” pahayag pa mula sa tanggapan ni Andanar. 

Sa kanya namang victory speech sinabi ni Trump na bilang bansa, ang Amerika sa ilalim ng kanyang administrasyon ay makikipagkaibigan sa mga bansang gustong makipagkaibigan dito.

“We will get along with all other nations willing to get along with us. We will be. We will have great relationships. We expect to have great, great relationships. No dream is too big, no challenge is too great. Nothing we want for our future is beyond our reach,” pahayag nito. 

Sa kabila nito sinabi ni Trump na pangunahin sa kanyang layunin ang interes ng US subalit kasama ang ibang bansa ay makikipagtulungan sila upang makamit ang kapayapaan at hindi ang kaguluhan.

“I want to tell the world community that while we will always put America’s interests first, we will deal fairly with everyone, with everyone. All people and all other nations. We will seek common ground, not hostility; partnership, not conflict,”  pahayag pa nito. 

Si Trump ang nahalal bilang ika-45 pangulo ng US. Inaasahan ang kanyang panunumpa sa pwesto sa Enero 2017.-DCR

 

Advertisements