73% ng mga Pilipino umaasa para sa masayang Pasko ngayong taon

Duterte.jpg

PH President Rodrigo Duterte poses with school children before the start of the annual Belenismo in Tarlac  (Photo from Presidential Communications) 

Mas maraming Pilipino ang nananatiling optimistiko at umaasa para sa isang masayang Kapaskuhan ngayon taon.

Base sa survey ng ginawa ng Social Weather Station (SWS) noong Disyembre 3 hanggang 6, nasa 73% ng mga Pilipino ang umaasa para sa isang masayang Pasko.

Ito na ang ikatlo sa pinakamataas na bilang ng mga Pinoy na nagsabing umaasa sila para sa masayang Pasko simula noong simulan ang survey noong 2002.

Naging pataas ang porsyento ng mga Pinoy na naging optimistiko sa panahon ng Kapaskuhan. Noong 2014 umabot ito sa 71% habang nasa 72% naman ito noong 2015.

Nasa 5% naman ang nagsabing inaasahan nilang magiging malungkot ang Pasko ngayong 2016 habang nasa 21% ang nagsabing hindi sila umaasa sa malungkot o masayang Pasko ngayong taon.-DCR

 

Advertisements