Mabuting pakikitungo sa kapwa, sentro ng mensahe ni Cardinal Tagle ngayong Kapaskuhan

tagle

Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle 

Season of hospitality! 

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa panahon ng Kapaskuhan.

Sa kanyang mensahe para sa pagdiriwang ng Pasko ngayong taon, binigyang diin ng kardinal ang kahalagahan ng mabuting pakikitungo  o “hospitality” kung saan umano kilala ang mga Pilipino.

Ayon kay Tagle, ang Pasko ay simbolo ng mabuting pakikitungo ng Panginoon sa mga taong tinalikuran na ng kanilang kapwa.

Hangad ng kardinal na ngayong Pasko ay mas maging bukas pa ang lahat para sa mabuting pakikitungo sa kapwa.

“We Filipinos claim that hospitality is second-nature to us. We make strangers or guests feel at home in our company. Our home becomes their home. Hospitality enables us to expand our home so that no one could say there was no room for them. Christmas is a reminder of hospitality denied by people but reversed by the merciful hospitality offered by God. I pray that our Christmas may make us more hospitable or welcoming to others, especially the poor and needy. Will we make room for them? ,” pahayag ni Tagle. 

Kasabay nito ay tinalakay din ng kardinal ang mga napapanahong isyu ng lipunan. Pinuna ni Tagle pagkakaroon ng talamak na bisyo sa paligid samantalang tila napakahirap namang abutin ng edukasyon para sa kabataan. Pinuna rin nito ang tila mas madaling pagkamit sa mga armas at baril kumpara sa pagkakaroon ng disenteng kabuhayan. 

“As Filipinos and as members of the human family, we need to ask: why is there room for a new television set or the latest gadget but not for another child in the family? Why is “rugby” for sniffing available but not affordable nutritious food? Why are vices within reach of young people while education seems unattainable? Why are guns and other weapons more accessible than decent jobs? Why is there ample room for hatred and revenge but too little for compassion and forgiveness? Why is there no room for hope for those who have gone astray but much space for condemnation by the self-righteous? Why is there room for profit but little empathy for victims of human trafficking, unfair labor practices, abuse and violence and for wonded creation? Why is there room for hostile despair but little for tender hope? Why is there room for destroying lives but minute space for saving them? What has happened to hospitality? Without hospitality, how could humanity survive?,” pahayag pa ng kardinal. 

Sa huli hinikayat ni Tagle ang lahat na patuluyin si Hesus ngayong Pasko sa pamamagitan ng paglingap sa mga dukha, nagugutom, nauuhaw, walang tirahan, maysakit, at mga bilanggo.-DCR

Advertisements