Alan Peter Cayetano susunod na DFA secretary- Duterte

duterte3

DFA Sec. Perfecto Yasay with President Rodrigo Duterte and Sen. Alan Peter Cayetano   (Photo courtesy of King Rodriguez/PPD) 

Si Sen. Alan Peter Cayetano ang susunod na magiging kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Dahil dito ay tiyak na si Cayetano na ang magiging kapalit ng kasalukuyang kalihim ng DFA na si Sec. Perfecto Yasay. 

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw sa kanyang live interview kasama si CNN Philippines Senior Correspondent Pinky Webb.

Ayon sa Pangulo, papalitan ni Cayetano si Yasay sa pwesto na aalis sa bansa para tuparin ang mga obligasyon nito bilang isang propesor sa Estados Unidos.

“He (Yasay) is on contract as a professor sa western side pati Hawaii professor yan ng International Law…Nakiusap naman ako because he was my roommate during sa law school namin so sinabi ko humawak ka muna sandali but Alan Cayetano would be coming in to takeover his post,” buong pahayag ng Pangulo. 

Matatandaan na si Cayetano ang naging runningmate ni Duterte sa naging kandidatura nito para maging pangulo. 

Sa ilalim ng batas ay hindi pinahihintulutan ang lahat ng naging kandidato sa isang halalan na tumanggap ng anumang posisyon sa gobyerno sa loob ng isang taon makaraang ang sinalihang eleksyon.

Bukod dito ay kapansin pansin din ang laging pagsama ni Cayetano sa lahat ng foreign trips na ginagawa ni Duterte simula ng ito ay maupo bilang Pangulo.-DCR

 

 

Advertisements