ROBREDO BUMWELTA KAY DUTERTE | Paratang ng Pangulo itinanggi

robredo-duterte

Vice President Leni Robredo and President Rodrigo Duterte 

Itinanggi ni Vice President Leni Robredo ang paratang sa kanya kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan kasama umano siya sa mga taong nananawagan para pabagsakin ang Pangulo sa pwesto.

Sa inilabas na pahayag ni Robredo ngayong araw ay mariin nitong itinanggi ang sinabi ni Duterte.

Ayon kay Robredo, ang kritisismo ay hindi nangangahulugan ng pagsasabwatan. 

“I am not aware of, much less am I involved in, any effort to “oust” the President. Furthermore, I categorically deny joining rallies that called for the President’s ouster. Criticism is not conspiracy, and the administration is well advised to stop seeing “plots” behind every unflattering news report, irate citizens’ assembly, or angry Facebook post.” pahayag ni Robredo. 

Nagmula ang sagot ni Robredo sa akusasyon kahapon ng Pangulo na kasali siya sa mga taong nais na magpababa dito sa pwesto.

“These sore losers cannot accept defeat. She (Robredo) was with them and then the following day, we would face each other? Don’t you think it’s a very incongruous thing? Not really for anything. It’s just incongruity,” bahagi ng pahayag ni Duterte sa panayam ni CNN Philippines Senior Correspondent Pinky Webb kahapon sa Malacañang. 

Kasunod nito sinabi ni Robredo na karapatan ng bawat mamamayan ang maglabas ng kanilang saloobin kahit ito pa ay laban sa gobyerno dahil ito ang sandigan ng isang malayang republika.

Puna pa ni Robredo, ang mga batikos na tinatanggap ngayon ng Pangulo ay dahil din sa mga pahayag at aksyon nito. Kabilang na sa mga ito ayon sa pangalawang pangulo ay ang pagpayag ni Duterte na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating diktador at pangulo na si Ferdinand Marcos, ang pagpapanumbalik sa parusang kamatayan, ang talamak at walang habas na mga pamamaslang at ang paglambot ng paninindigan ng bansa sa China pagdating sa usapin sa West Philippine Sea.

Matatandaan na ngayong buwan ay nagpahayag ng kanyang pagbitiw sa gabinete ng Pangulo si Robredo matapos umanong makatanggap ng pasabi na hindi na siya pinadadalo ni Duterte sa mga cabinet meeting sa Malacañang.-DCR

 

 

 

Advertisements