Trust at approval ratings ni Duterte nananatiling mataas- Pulse Asia

duterte

President Rodrigo Duterte is greeted by the residents of North Cotabato after he went to the area to visit bomb blast victims on Christmas Eve.  (Photo courtesy of Presidential Communications) 

 

Nananatiling mataas ang trust at approval ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Base sa survey ng Pulse Asia na may 1,200 respondents at ginawa noong Disyembre 6 hanggang 11, nakakuha ang Pangulo ng 83% para sa trust at approval rating nito.

Para sa approval rating, nasa 13% ang undecided habang nasa 5% ang nag-disapprove sa performance ng Pangulo.

Pagdating sa trust rating, nasa 13% rin ang undecided habang 4% lamang ang nagsabi na wala o maliit lamang ang tiwala nila sa Pangulo.

“Amidst various controversies involving him and his administration, most Filipinos remain appreciative of the work done by President Rodrigo R. Duterte (83%0. Similarly, a huge majority of his constituents express trust in the President (83%), ” base sa inilabas na pahayag ng Pulse Asia. 

Kabilang sa mga maiinit na isyu na pinag-usapan bago hanggang sa panahon na ginagawa ang survey ay ang pagbibitiw sa gabinete ni Vice President Leni Robredo, desisyon ng Korte Suprema na payagang mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni dating pangulong Ferdinand Marcos, imbestigasyon ng Senado at Kamara sa pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, pag-uutos ni Duterte na arestuhin ang business tycoon na si Jack Lam at pag-abswelto ng Sandiganbayan kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng kontrobersyal na NBN-ZTE deal.-DCR

 

Advertisements