CHINESE NEW YEAR | January 27 walang pasok

Manila Chinatown.jpg

Manila Chinatown is the oldest chinatown in the world established since 1594 (Photo from Demetrio Ragua) 

Idineklara ni Manila Mayor Joseph Estrada ang suspensyon ng pasok sa ilang paaralan at mga tanggapan ng pamahalaan sa Biyernes, Enero 27 sa Lungsod ng Maynila para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Batay sa inilabas na Executive Order No. 02 na pirmado ni Estrada ay deklaradong walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan na nasa ikatlong distrito lamang ng Maynila.

Kabilang sa mga ito ay ang mga paaralan at pamantasan na matatagpuan sa bahagi ng Binondo, Sta. Cruz at Quiapo.

Estrada EO.jpg

Kasama din sa kautusan ang suspensyon ng pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaang lungsod ng Maynila maliban na lamang sa mga opisinang may kinalaman sa peace and order, health and sanitation, risk reduction management at traffic enforcement. 

Ang Chinese New Year ay ipinagdiriwang din ng maraming Filipino-Chinese dito sa Pilipinas. Sa Maynila naman matatagpuan ang pinakamatandang Chinatown sa buong mundo na itinatag pa noong 1594.-DCR

 

 

 

Advertisements