LYCEUM DEAN NAG-RESIGN | Diplomat inakusahan ng sexual harassment

lpu1

(PART 1)

Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang isang kilalang career diplomat ng bansa matapos akusahan ng sexual harassment ng kanyang dating estudyante sa Lyceum of the Philippines University (LPU). 

Sa Facebook (FB) post ng biktimang si KV Rojas, dating estudyante sa kursong Foreign Service sa ilalim ng College of International Relations ng LPU ay ikinwento nito ang sexual harassment na kanyang naranasan sa dating dekano ng kanilang kolehiyo.

Bagama’t hindi tahasang pinangalanan ni Rojas sa kanyang post sa Facebook, napag-alaman ng Manila Journo na ang nasasangkot na personalidad sa isyu ay si dating Ambassador Reynaldo O. Arcilla. 

Si Arcilla ay naging embahador ng Pilipinas sa mga bansang Bangladesh, Austria, Slovenia, Croatia, Laos at Thailand. Naging  permanent representative din ng bansa si Arcilla sa United Nations (UN), UN Industrial Development Organization (UNIDO) at UN Economic and Social Commission for Asia and the Pacific. 

Bilang isang career diplomat, nagsimula si Arcilla sa Department of Foreign Affairs (DFA) noong 1971 at naging dekano sa LPU noong 2006. 

Matapos makarating sa pamunuan ng pamantasan ang kaso ay napilitan si Arcilla na magbitiw bilang dekano noong Enero 16, 2017.

“DITO KITA  RARAPE-PIN”

Sa FB post noong Pebrero 5 isinalaysay ng biktima kung paano siya umano ay nakaranas ng sexual harassment sa mismong mga kamay ni Arcilla.

Disyembre 02, 2016 nang pumunta si Rojas sa opisina ng noon ay si Dean Arcilla para sa kanyang appointment.upang kumuha ng recommendation letter na kanyang gagamitin sa kanyang aplikasyon para sa graduate studies.

Dumating si Rojas sa opisina ni Arcilla bandang 5:50 hanggang 5:53 ng hapon subalit dahil tila nakikipagpulong pa ang dekano sa ilang estudyante pasado 6:00 ng gabi na siya nakapasok sa tanggapan.

Matapos makipag-usap sa isang babae mula sa opisina ni Arcilla at sabihin dito ang kanyang sadya ay pinayagan na siya nitong pumasok. Dito na nakaharap ni Rojas si Arcilla. Hindi umano matandaan ni Arcilla na naging estudyante niya ang biktima. 

“May girl na nagtanong sa akin, ano daw pakay ko. I said I have an appointment with the Dean. She went inside Dean’s office and I waited, then after a while lumabas na sya and told me to come in. I was so nervous when I step in inside his office. Takot kasi ako sa kanya noong estudyante palang ako. He asked me what I want, who am I, and told me he doesn’t remember me daw. . He said “Panget ka siguro noon”, I just brushed it off and said “I’ll take that as a compliment Sir”. He asked me a lot of things such as: my plan if ever I will be accepted in my chosen school, if I’m thinking of taking the FSO exam, my grade in his subjects, what am I doing now, and if I’m reading his column. Our conversation went well inside his office. We even touched subjects about Duterte and Trump.”

Matapos ang pangungumusta at mga pag-uusap ayon kay Rojas ay nasabi niya rin kay Arcilla ang kanyang tunay na pakay. Matapos maipaliwanag ang mga dapat gawin para sa recommendation letter na kanyang hinihingi ay nagpahayag umano ang dekano na uuwi na ito. Dito na inaya ni Arcilla ang biktima na sumabay sa kanya sa kotse pauwi. 

Ayon sa biktima pumayag siya sa alok ng dekano at napagkasunduan nilang ibababa siya nito sa Coastal Road. Matapos makalabas ng Dean’s Office dumaan umano sila sa clinic dito na umano siya unang hinawakan ni Arcilla at sinabing “Dito kita rarape-in.” 

“We went down the stairs and he went inside the clinic, we saw the guard at Gate 2, he held my elbow and said “Dito kita rarape-pin”. I gave him a quizzical look and said, “Sir?.” Medyo kinabahan na ako nun pero nung nakita ko may tao naman sa loob, naging okay naman ako. It turns out he will get his blood pressure check in the clinic. I waited for him inside and there were three people inside the room, while the guy is getting his BP check, the Dean told them that I was his student and he can’t remember me and wondering if I’m ugly before.”

Sa kabila nang pangyayari ay pinaunlakan pa rin ni Rojas ang alok ni Arcilla na paghatid hanggang sa kanyang babae. Lingid sa kaalaman ng biktima ay mas matindi pa ang nag-aabang sa kanya pagpasok sa loob ng kotse ng dating diplomat.-DCR

ITUTULOY……..

(PART 2) “DITO KITA RARAPE-PIN” | LPU DEAN ARCILLA NAG-RESIGN SA GITNA NG SEXUAL HARASSMENT CASE

https://themanilajourno.wordpress.com/2017/02/08/dito-kita-rarape-pin-lpu-dean-arcilla-nag-resign-sa-gitna-ng-sexual-harassment-case/

Advertisements