#StandwithKV | “KAILANGAN KO PO NG TULONG”- Lyceum alumna

stand

 

“Kailangan ko po ng tulong.” 

Ito ang pinakahuling pahayag ng Lyceum of the Philippines University (LPU) alumna na si KV Rojas. 

Ang paghingi ng tulong ng biktima ay kaugnay sa ibinunyag nitong umano’y sexual harassment na ginawa sa kanya ni dating Ambassador at noon ay LPU College of International Relations Dean Reynaldo O. Arcilla.

Habang isinusulat ang balitang ito ang part 1 ng pagbubunyag sa Facebook (FB) ni Rojas ay umabot na sa mahigit 2,000 likes at 1,000 shares habang ang part 2 ng kanyang rebelasyon ay mayroon ng higit 1,800 likes at higit 400 shares.

Sa special report na ginawa ng Manila Journo ay detalyadong mababasa ang pang-aabusong ginawa umano ng dating ambassador sa biktima. 

Nilinaw din ni Rojas ang kanyang intensyon ng pagsisiwalat ng istorya sa social media. 

Aniya, hindi niya intensyong siraan ang pamantasan. Ang gusto lamang umano niya ay hustisya.

Paliwanag ng biktima, ginawa niya ang lahat ng alam niyang nararapat gawin subalit hindi naman umano inaksyunan ng LPU ang kanyang kaso ng maayos.

“Napagod din po ako. Gusto ko lang po ng hustisya. But days..weeks passed, and nothing was coming out of it. I could not let my efforts go to waste. I owe this to myself and to my mother. I talked to friends, former classmates, orgmates, and LPU Almuni. Those people pushed me to resort to what I did.” Pahayag ni Rojas mula sa kanyang FB account. 

Sa kanila namang pinakahuling statement ay sinabi ng pamunuan ng LPU na patuloy sila sa paghahanap ng hustisya hinggil sa insidente sa pamamagitan ng tamang proseso. 

lpu3

Hinikayat din ng pamantasan ang mga mag-aaral na huwag manahimik at sa halip ay maging mapagmatyag sa pamamagitan ng pag-uulat sa mga pang-aabusong kanilang malalaman upang ito ay agad na maaksyunan ng paaralan.-DCR

 

 

Advertisements