PAANDAR NI ANDANAR | PCO chief binweltahan ng Senate reporters

Fake news! 

Ganito tinawag ng Senate reporters ang  malisyosong pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar laban sa kanila.

Ang pahayag ng mga reporter na nagco-cover sa Senado ay nagmula sa statement ni Andanar tungkol sa umano’y pamimigay ng $1,000 sa mga reporter na nag-cover ng press conference ni SPO3 Arthur Lascañas. 

“Meron na rin tayong natanggap na reports na as much as $1000 ang ipinamigay dito sa presscon na ito. Hindi ko na lang papangalan ang aking source pero meron daw pinagbibigyan ng ganitong kalaking halagang pera para ma-cover ito,” pahayag ni Andanar sa panayam ni CNN Philippine Senior Correspondent Pinky Webb sa news program na Balitaan.

Ang alegasyong ito ay tahasan at mariing kinundena ng mga mamamahayag sa Senado. Tinawag ding iresponsable at walang batayan ng mga reporter ang naturang pahayag ng kalihim.

“We, broadcast, online, and print journalists covering the Senate strongly protest the unsubstantiated and irresponsible claims made by Press Secretary Martin Andanar that reporters were given as much as $1,000 each to cover the press conference of alleged former Davao Death Squad leader Arthur Lascañas this morning.” 

Ayon pa sa mga Senate reporter sa pagkakaalam nila ay walang ganitong pangyayari na naganap sa press conference ni Lascañas ngayong araw. Hindi rin umano kinukunsinti ng mga Senate reporter ang ganitong uri ng gawain.

Dahil dito ay agad na nag-demand ng apology sa panig ni Andanar ang mga mamamahayag.

“We would like to ask the Secretary to prove his allegations as such statements placed our credibility and our respective media entities under a cloud of doubt. Otherwise, we demand a public apology from Secretary Andanar for spreading “fake news”, truly unbecoming of someone who, just a few months ago, came from the media industry.”

Sa kanya namang pahayag sinabi ni Andanar na nakuha lamang niya ang naturang impormasyon matapos may magsumbong nito sa kanya. Sinabi rin ng kalihim na hindi rin sinabi ng nagsumbong sa kanya kung may tumanggap ba o kung tinanggap ba ng mga mamamahayag ang sinasabi nitong $1,000. 

“Pinagbibigyan daw ang mga reporter doon kung saan nangyari. May nag-offer daw pero hindi ko lang alam kung tinanggap. Pero merong nagsumbong sa akin.”

“Iyon ang umiikot na storya pero hindi naman sinabi na tinanggap na merong mga offer na ganoong kalaking pera ang oposisyon para lamang pabagsakin ang administrasyong ito, para ipakalat ang storya ni SPO3 [Lascañas],” pahayag pa ni Andanar.

Sa isang hiwalay naman na pahayag matapos pumutok ang naturang isyu ay agad na kinlaro ni Andanar ang kanyang nasabi.

Ayon sa kalihim, bagama’t nasabi niya na mayroong tangkang pag-alok sa mga mamamahayag ng pera kapalit ng coverage ay malinaw naman na wala ni isang miyembro ng media ang tinukoy na tumanggap nito.

“I believe the transcript will bear out the fact that while a monetary offer may have been made to attract coverage of the concerned press conference at the Senate, no member of our working press was alluded to as a recipient.”

“As a long-time broadcast journalist myself, I hold our former colleagues in the media in the highest esteem as we forge forward in our commitment to serve the public through the dissemination of factual information,” pagtatapos ng kalihim.-DCR

_____________________________________________________

TRANSCRIPT OF INTERVIEW BY CNN PHILIPPINES SENIOR CORRESPONDENT PINKY WEBB WITH PCO SEC. MARTIN ANDANAR IN “Balitaan” TODAY

 

 

Webb: Alamin naman natin kung ano naman ang masasabi ng Malakanyang sa bagong paratang laban kay Pangulong Duterte, nasa linya ng telepono si Communications Secretary Martin Andanar. Secretary Andanar, magandang tanghali po sa inyo.

Andanar: Hello Pinky, magandang tanghali.

Webb: Ano po ang inyong reaksyon dito sa sinabi ni SPO3 Lascanas?

Andanar: I would like to read to you our crafted message, if you don’t mind…

Webb: Go ahead sir.

Andanar: The demolition job against President Duterte continues. The press conference of self-confessed hitman SPO3 Arthur Lascanas is part of a protracted political drama aimed to destroy the President and to topple his administration. Our people are aware that this character assassination is nothing but vicious politics orchestrated by sectors affected by the reforms initiated by the Duterte administration. The Commission on Human Rights, the Office of the Ombudsman, the Senate Committee on Justice already cleared the President of extrajudicial killing and his involvement in the Davao Death Squad. Bringing change is not an easy task. The Duterte administration has disturbed/disrupted the establishment. However, we remain undistracted in delivering goods and services to serve the people, not just the interest of the few.

Webb: Can I ask you a question now?

Andanar: Yes, go ahead ma’am.

Webb: Secretary, tinatawag niyo po itong demolition job, political job on character assassination, may plano po ba ang Malakanyang or yung Office of the President kay SPO3 Arthur Lascanas dahil sa kanyang mga sinabi?

Andanar: Well, si SPO3 Lascanas ay kakatapos lang po ng kanyang presscon kani-kanina lamang and ang gobyerno, ang administrasyong Duterte sa pangunguna din po ng ating Secretary Aguirre ay sasagot din po in a matter of time. Hintayin na lang po natin, but what I said earlier is that… alam niyo, lahat po ng time na ito, yung ingay sa social media about the diumano’y yaman ng ating Pangulo, tapos ito ngayon, itong Davao Death Squad, puro rehash kasi ito Pinky, at sa amin, para sa akin din, ito ay in preparation for that march, for the protest rally that they are planning this coming February 25. Kaya ito po ay kasama na rin po sa plano, at mayroon din po tayong mga natanggap na mga report, Pinky, na as much as 1,000 dollars ang ipinamigay dito sa presscon na ito, hindi ko na lang po papangalanan yung aking source, pero mayroon daw pinagbibigyan ng ganito kalaking halaga ng pera para lamang i-cover ito.

Webb: Secretary, one thousand dollars, yung umiikot na one thousand dollars, kanino? Kay SPO3 Lascanas… kanino napunta yung pera?

Andanar: Pinagbibigyan daw yung mga reporter doon sa kung saan nangyari, may mga nag-offer daw, hindi ko lang alam kung tinanggap, pero mayroong nagsumbong sa akin na ganoon.

Webb: Ok, para malinaw lang po, Secretary, that umikot ang one thousand dollars para ibigay sa mga reporters na nagko-cover po diyan sa Senado, tama po ba ang aming pagka-intindi sir?

Andanar: Yun ang umiikot na istorya, pero hindi naman sinabi na tinanggap. Pero ang sinabi mayroong mga offer na ganoon kalaking pera ang oposisyon para lamang pabagsakin itong administrasyong ito at para ipakalat itong istorya ni SPO3.

Webb: Lascanas?

Andanar: Opo.

Webb: Opo. So yung one thousand dollars, sabi niyo po nanggaling sa oposisyon?

Andanar: Nanggaling ito kung sinuman ang nagsimula, alam mo mahirap din sabihin kung kanino nanggaling, kung sasabihin natin kay… sa taong ito, mahirap magbigay ng ano, pero kung sino man ang naninira sa ating Pangulo, ay those who are opposing this administration na nangunguna diyan sa nangyari na nga diyan sa may presscon na iyan, yung balita kumakalat na itong one thousand dollars, ino-offer diumano sa mga reporter.

Webb: Para po i-cover, parang ganoon po?

Andanar: Parang ganoon na rin, ganoon ang lumalabas sa report.

Webb: Alright. Let me ask, categorically, sir, are you saying that the one thousand dollars is coming from Senator Antonio Trillanes?

Andanar: I cannot categorically say na galing Senator Trillanes, basta ang sabi lang po ng aking source diyan sa Senado na mayroong pera na ganoon na umiikot. Pero I would like to categorically say also na hindi naman sinabi kung tinanggap yung pera na yun.

Webb: Ok po. Secretary Martin Andanar, maraming salamat po sa inyong oras and sa pagpapaunlak sa aming tawag.

Andanar: Maraming salamat po, mabuhay po kayo.

_____________END_____________

 

Advertisements