Chinese surveillance ship namataan na rin sa Benham Rise

Benham.png

Namataan na maging sa Benham Rise ang  Chinese surveillance ship.

Ito ang ibinunyag ngayong araw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay ng isang forum tungkol sa mga posibleng banta sa seguridad ng bansa na ginanap sa National Defense College of the Philippines sa Camp Aguinaldo.

Sinabi ng kalihim na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs hinggil sa insidente. Ayon kay Lorenzana, sinabi umano sa kanya ni dating DFA Sec. Perfecto Yasay na sumulat na ang kanilang kagawaran sa embahada ng China sa bansa subalit itinanggi lamang ng embahador ng Tsina ang insidente.

“‘Yung DFA sumulat na ng protest, a note verbale, to the ambassador but most of the time according to Secretary Yasay, sabi niya the Chinese ambassador just denied, we are not doing that, but it cannot be denied,” pagbubunyag ni Lorenzana.

Ayon sa kalihim, namataan simula pa noong nakaraang taon ang survey ng China sa Benhan Rise. 

Benham1.jpg

Filipino scientists and marine biologists conducted research and surveillance in Benham Rise way back in 2014 (Photo courtesy of Dr. Gil Jacinto/UP MSI)

Benham 5.jpg

Filipino scientists in action during the 2014 mission in Benham Rise (Photo from Dr. Gil Jacinto/UP MSI)

Dahil dito ay inatasan na umano ng DND ang Philippine Navy na sakaling may makitang barko ng China sa lugar ay agad itong itaboy palayo sa teritoryo ng bansa.

“One of the Chinese survey ship is plying the Benham Rise already last year. It was monitored for about three months doing that so we have ordered the Navy if they will see this service ship this year, start to accost them and ilayo sa eastern side of the Philippines,” pahayag ng kalihim. 

Pagbubunyag pa ng kalihim, batay sa mga nakukuha umano nilang impormasyon ay nakakarating hanggang sa bahagi ng Surigao ang mga surveillance ship ng China.

Ayon kay Lorenzana, sa ngayon ay wala pang ulat kung may deposito ng langis sa bahagi ng Benham Rise subalit malalim na parte ito ng karagatan ng bansa at posibleng target ng mga Tsino na maglagay dito ng submarine.

“We still have some friends who give us satellite photographs of what’s happening there and they give us information that these ships were actually plying the Benham Rise, north of the Philippines up to Surigao. There is no report of oil deposit in that area but that is where the Philippine deep is, ‘yung malalim, the Philippine Trench. And according to some, they are actually looking for a place for submarines,” pahayag pa ni Lorenzana.

Ang Benham Rise ay teritoryong iginawad bilang bahagi ng continental shelf ng Pilipinas noong  April 12, 2012 matapos matagumpay na maidepensa ng bansa ang petisyong inihain nito sa  United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf (UNCLCS).

Hindi gaya ng Panatag Shoal (Scarborough Shoal) at Kalayaan Islands (Spratly Islands), walang ibang bansa na umangkin sa Benham Rise maliban sa Pilipinas.

Ang naturang lugar ay nasa gawing kanluran ng bansa, na nakaharap sa karagatang Pasipiko malapit sa lalawigan ng Aurora.-DCR

Advertisements