Benham Rise hindi pwedeng angkinin ng Pilipinas bilang teritoryo- China

China

Chinese Foreign Ministry Spokesman Sheng Huang 

Hindi maaaring angkinin ng Pilipinas ang Benham Rise bilang teritoryo.

Ito ang naging pahayag ng bansang China kasunod nang pagkabahala ng gobyerno hinggil sa naging pagtungo ng ilang Chinese surveillance ship sa Benham Rise noong nakaraang taon.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang, bagama’t pinayagan na noong 2012 ng UN Commission on the Limits of the Continental Shelf ang Pilipinas para magsagawa ng mga pagtuklas sa Benham Rise hindi naman ito umano nangangahulugan na maaari nang angkinin ng bansa ang naturang teritoryo.

“First, in 2012, the UN Commission on the Limits of the Continental Shelf approved the submission made by the Philippines in 2009 in respect of the limits of the continental shelf beyond 200 nautical miles in the Benham Rise region, enabling the Philippines to carry out exploration and development of natural resources in this region. But it does not mean that the Philippines can take it as its own territory,” pahayag ni Shuang. 

“Second, according to international law including UNCLOS, a coastal state’s rights over the continental shelf do not affect the legal status of the superjacent waters or of the air space above those waters, nor do they affect foreign ships’ navigation freedom in the coastal state’s EEZ and on the high seas, or their innocent passage through the coastal state’s territorial sea as supported by international law,” dagdag pahayag ng opisyal. 

Hindi man pinangalanan ay tahasan ding sinagot ni Shuang ang naging pagbubunyag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana hinggil sa umano’y surveillance na ginawa ng mga barko ng Tsina sa Benham Rise. 

Sa kanyang pahayag ay tila pinabulaanan ng tagapagsalita ng China foreign ministry ang mga sinabi ni Lorenzana. 

“According to the competent authorities, Chinese vessels for marine research did sail across relevant waters to the northeast of Luzon, the Philippines last year, exercising navigation freedoms and the right to innocent passage only, without conducting any other activities or operations. The remarks by some individuals from the Philippines are not consistent with the facts,” pahayag pa ni Shuang. 

Una nang ibinunyag noong nakaraang linggo ni Lorenzana ang paghimpil ng Chinese surveillance ship sa Benham Rise. Ayon sa kalihim, posibleng sinu-survey ng China ang lugar kung saan sila pwedeng mag-istasyon ng mga submarine.

“One of the Chinese survey ship is plying the Benham Rise already last year. It was monitored for about three months doing that so we have ordered the Navy if they will see this service ship this year, start to accost them and ilayo sa eastern side of the Philippines,” pahayag ni Lorenzana. 

“We still have some friends who give us satellite photographs of what’s happening there and they give us information that these ships were actually plying the Benham Rise, north of the Philippines up to Surigao. There is no report of oil deposit in that area but that is where the Philippine deep is, ‘yung malalim, the Philippine Trench. And according to some, they are actually looking for a place for submarines,” pahayag pa ni Lorenzana.

Kasabay ng pahayag ay sinabi na rin ni Lorenzana na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs para ibalita ang insidente. Ayon sa kalihim, binanggit sa kanya ni dating DFA Sec. Perfecto Yasay na nakapagpadala na sila ng note verbale sa embahador ng China dito sa Pilipinas para iprotesta ang pangyayari subalit itinanggi lamang ito ng Chinese ambassador.-DCR

 

Advertisements