PAHAYAG NG CHINA TINABLA | Pagtatayo ng istruktura ng Pilipinas sa Benham Rise posible- DND chief

Posibleng magtayo na ng istruktura ang Pilipinas sa Benham Rise para igiit ang soberanya sa naturang teritoryo ng bansa.

Ito ang sinabi ni Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana sa panayam ng media sa kanya matapos ang commencement ceremony ng Philippine Military Academy kahapon sa Baguio City.

Bukod sa posibleng paglalagay ng istruktura sa Benham Rise ay ipinangako rin ni Lorenzana na mas dadagdagan pa ng bansa ang pagpa-patrol sa lugar.

“We will do something there. Siguro we will increase our patrols at the same time siguro we will also put structures that says this is ours,” pahayag ng kalihim. 

Tila tinabla at pinagdudahan din ni Lorenzana ang pahayag ng China na dumaan lamang sa Benham Rise ang kanilang barko kasabay ng paggigiit sa ‘innocent passage’ ng isang sasakyang pandagat.Tila tinabla at pinagdudahan din ni Lorenzana ang pahayag ng China na dumaan lamang sa Benham Rise ang kanilang barko kasabay ng paggigiit sa ‘innocent passage’ ng isang sasakyang pandagat.

“As far as we are concerned they have business going there, kasi kung innocent passage yan, e alam mo naman yung innocent passage, isang parang Point A to Point B dire-diretso lang yan at constant yung steaming speed. Yung nakita natin yung kanilang survey ship e napakabagal tapos tumitigil sa isang lugar, magtagal ng ilang araw, lipat na naman,” pahayag pa ni Lorenzana. 

Una nang iginiit ng China sa pamamagitan ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang na walang ibang ginawa ang kanilang barko sa Benham Rise kundi dumaan lamang.

““According to the competent authorities, Chinese vessels for marine research did sail across relevant waters to the northeast of Luzon, the Philippines last year, exercising navigation freedoms and the right to innocent passage only, without conducting any other activities or operations. The remarks by some individuals from the Philippines are not consistent with the facts,” pahayag ni Shuang.

Sinabi pa Shuang na hindi tumutugma sa katotohanan ang mga pahayag ng mga opisyal dito sa Pilipinas tungkol sa pangyayari.

Kasabay nito sinabi rin ng Chinese spokesman na bagama’t pinayagan noong 2012 ng UN Commission on the Limits of the Continental Shelf ang Pilipinas para magsagawa ng mga pagtuklas sa Benham Rise hindi naman ito umano nangangahulugan na maaari nang angkinin ng bansa ang naturang teritoryo.

Ang Benham Rise ay submerge plateau na tinatayang mas malaki pa kaysa sa Luzon. Ito ay matatagpuan sa gawing kanluran ng bansa, na nakaharap sa Karagatang Pasipiko malapit sa lalawigan ng Aurora.

Inaprubahan ng United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) noong April 12, 2012 ang Benham Rise bilang bahagi ng continental shelf ng bansa tatlong taon matapos maghain at matagumpay na maidepensa ng Pilipinas ang petisyon nito sa UN Commission on the Limits of the Continental Shelf (UNCLCS).-DCR

 

Advertisements