Buhay at kamatayan sa krus ni Kristo gawing inspirasyon at hamon – Pres. Duterte

Duterte

President Rodrigo Duterte while praying inside the Palo Cathedral last March 2016 (Photo courtesy of The Philippine Star) 

Pagtulong sa kapwa at patuloy na pakikibaka para sa kabutihan ng lipunan ang naging sentro ng mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga Pilipino kasabay ng paggunita ng marami ngayong linggo sa Semana Santa.

“May the virtues of kindness and benevolence that Christ exemplified serve as our inspiration to aid in the plight of our less fortunate fellowmen. Let the story of crucifixion challenge us to remain persevering in our struggle for a better life and stronger society,” pahayag ng Pangulo. 

Sa kanyang mensahe ay binigyang diin ni Duterte na ang buhay ni Kristo ay tanda ng kabaang loob at hindi pagiging makasarili sa kabila ng mga pagsubok. 

Message

Sinabi ni Duterte na ang daan ng krus ang malinaw na patunay na sa gitna ng anumang mga pagsubok ay mananaig kabutihan at katotohanan.

Ayon pa sa Pangulo, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya ng bawat isa ay maging huwaran nawa ng lahat ang ipinakitang malasakit ni Kristo para sa sangkatauhan.-DCR

 

Advertisements