2017 Hildegarde Awards | Kababaihang nagpamalas ng galing sa larangan ng media pararangalan

Hildegarde

The 10th Hildegarde Awards for women in media and communications (File photo from ABSCBN Red Alert) 

 

Pararangalan ng St. Scholastica’s College Manila ang mga natatanging kababaihan at organisasyon ngayong taon na nagpamalas ng kahusayan sa larangan ng media at komunikasyon.

Kabilang sa mga nakatakdang tumanggap ng parangal sa Mayo 5 (Biyernes) ay ang mga sumusunod:

Ms. Merlee Jayme, Chairmom at Chief Creative Officer ng Dentsu Jayme (Advertising) 

DZUP-Usapang P,  isang programang tumatalakay sa mga importanteng kinakaharap ng kababaihan. (Broadcast Journalism)

Becky Demetillo-Abraham at Karina Constantino-David ng Inang Laya. Ang dalawang ay kapwa mang-aawit kung saan ang kanilang musika ay tumatalakay sa mga makasaysayang bahay ng Edsa People Power Revolution. (Development Communication) 

Letty Jimenez-Magsanoc, para sa kanyang paglaban sa diktaturang Marcos at sa kanyang kontribusyon sa pamamahayag bilang dating Editor-in-Chief ng Philippine Daily Inquirer.  (Print Journalism)

Ilang institusyon at indibidwal din ang tatanggap ng parangal ng People’s Choice Awards para sa print journalism, development communication, advertising, broadcast journalism. Ang People’s Choice Awards ay ibinase  sa boto ng Scholastican community. 

Advertising 

“McDonald’s Breakfast Campaigns on everyday Heroes” by Leo Burnett

 “Cebuana Lhuillier’s Remeet Campaign”  ng Ace Saatchi & Saatchi Philippines.

Broadcast Journalism

Armie Bennet, t Executive Vice President and Managing Director; CNN Philippines

“Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie,” ni Prop. Solita “Winnie” Monsod ng GMA News TV  

Development Communication 

“Ang Malaya” (Philippine College of Commerce, now Polytechnic University of the Philippines)

“Pandayan” (Ateneo De Manila University)

“Ang Hasik” (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila),

“Balawis” (Mapua Institute of Technology) ang apat na publikasyon ay tatanggap ng parangal para sa paglaban sa diktaturyang Marcos. 

Print Journalism

Ms. Shiela Coronel,  founding director of PCI at manunulat para sa  Balita ng Malayang Pilipinas at Liberation noong panahon ng  Martial Law

Ms. Ana P. Santos, a freelance journalist at kolumnista sa online news portal na Rappler.

Ang 11th Hildegarde Awards na idaraos bukas ay bukas sa publiko. Sa loob ng 11 taon ay kinilala ng naturang award giving body ang galing at husay ng mga kababaihan at organisasyon na nagpamalas ng malaking kontribusyon sa larangan ng media sa bansa.

Ang parangal ay isinunod kay St. Hildegarde von Bingen ng Germany. Isang Benedictine nun, propeta, makata at manunulat na nagpamalas ng kanyang mga kaisipan at aral sa pamamagitan ng kanyang mga sinulat at ng musika.-DCR

 

Advertisements