Mga lider ng ASEAN dumating na ngayong araw

ASEAN

Dumating na ngayong araw ang lahat ng lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa pagpupulong na nag-umpisa na ngayong araw at tatagal hanggang bukas.

Sunod sunod na dumating kaninang hapon ang mga head of state ng ASEAN sa pangunguna ni Cambodian Prime Minister Hun Sen.

Ito ay sinundan ng paglapag ng eroplanong lulan naman si Indonesian President Joko Widodo sa Villamor Air Base sa Pasay City. Si Widodo ay sinimulan rin ngayong araw ang kanyang state visit na agad dumiretso sa Malacañang pagkadating nito.

Sunod na dumating ay si Myanmar State Counsellor at kilalang ‘democracy icon’  Aung San Suu Kyi na sinalubong ni Health Secretary Pauline Ubial. Agad na dumiretso ang opisyal ng Myanmar sa Philippine International Convention Center mula sa paliparan.

Si Aung ay sinundan naman ng pagdating ni Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc na sinalubong ni National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Ito ay sinundan ng pagdating ni Thai Prime Minister General Prayut Chan-o-cha na mainit na tinanggap ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar. 

Si Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano naman ang sumalubong kay Lao People’s Democratic Republic (PDR) Prime Minister Thoungloun Sisoluith. 

Pinakahuli sa mga dumating ngayong araw si Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong. 

Kahapon naman dumating sa bansa si Malaysiam Prime Minister Malaysian Prime  Najib Razak habang noong Miyerkules (Abril 26) naman dumating sa bansa si Brunei Sultan Haji Hassanal Bolkiah. Si Bolkiah ang unang lider ng ASEAN na dumating sa bansa na isinabay ang pagtungo rito sa kanyang state visit. -DCR

 

 

 

Advertisements